• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

23 BAKUNA PARA SA DENGUE PINAPAG-ARALAN

PINAPAG-ARALAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang 23 na bakuna para sa dengue kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dinadapuan ng sakit sa buong bansa.

 

 

Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang 23 bakuna ay nasa emergency medicine list ng World Health Organization (WHO)

 

 

Dagdag pa nito na nangangalap pa sila ng sapat na ebidensiya at pinapag-aralan at pag nakumpleto na ay magpupulong ang kanilang mga experts.

 

 

“So we will study this thoroughly para magkaroon  tayo ng recommendation para sa’ting Presidente kung saka-sakali.”

 

 

Hindi naman niya binanggit kung kasama dito ang kontrobersyal na Dengvaxia na isinusulong ng ilang health sector.  Sinabi kamakailan ni Vergeire na isa sa ikinukunsidera nila ang Dengvaxia ngunit kailangan muling sumailalim ito sa masusing pag-aaral.

 

 

Nasa kabuuang 64,797 kaso ng dengue na ang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 25.  Mas mataas ito ng 90% kumpara sa naiulat na 34,074 sa kaparehong panahon noong 2021.

 

 

Halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Ilocos region at Caraga ay nalagpasan na ang “alert/epidemic threshold” sa nakalipas na apat na linggo. (Gene Adsuara)

Other News
  • New ‘Luca’ Featurette, Clip and Character Posters Tease A Pixar Aquatic Adventure

    THE heartwarming film Luca will stream on Disney+ this month and we got a new featurette about the world of Portorosso, Italy!     They also reveals new character posters as well as a new clip showing the fear this small town has about sea creatures. A movie that is sure to make us all want to […]

  • Inamin ng ka-loveteam na totoong nagkarelasyon sila: SETH, pinasalamatan ni ANDREA sa pagdepensa sa kanila ni RICCI

    NAGSALITA na si Andrea Brillantes sa pamamagitan ng kanyang Instagram Live sa mga isyu sa kanilang tatlo nina Seth Fedelin at Francine Diaz.     Nagpauna naman ito na binabasa niyang talaga ang statement niya para raw wala siyang makakalimutan.     Sinimulan ni Andrea sa pasasalamat kay Seth dahil sa ginawang pagdepensa sa kanya, […]

  • OPS, nagpasalamat sa serbisyo ng mga Filipino nurses sa gitna ng pandemya

    PINASALAMATAN ng  Office of the Press Secretary (OPS)  ang mga Filipino nurses sa Pilipinas at sa ibang bansa para sa naging serbisyo  nito lalo na noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.     Ang pahayag na ito ng OPS  na naka-post sa kanilang official Facebook page ay bahagi ng pagbati sa ginagawang pag-obserba ng bansa sa […]