22-K bilanggo pinalaya – Año
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP).
Sa naturang bilang, sinabi ni Año na 15,102 ay pinalaya sa pamamagita ng bail, plea-bargaining, parole o probation habang 6,756 naman ang pinakawalan dahil sa acquittal o served sentence.
“The DILG through the BJMP is also taking concrete measures to decongest our jails such as improving and putting up more jail facilities and fast-tracking the court hearings of PDLs,” ani Año.
Samantala, patuloy ang ginagawang targeted testing ng BJMP sa mga inmates sa 51 jail facilities at tatlong BJMP offices na tinamaan ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na hanggang noong Hulyo 15 ay pumalo na sa 180 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa BJMP.
Sa naturang bilang, 126 ay pawang mga detainees at 54 naman ang BJMP personnel. (Ara Romero)
-
VISIONARY FILMMAKER MATTHEW VAUGHN TALKS ABOUT HIS INSPIRATION FOR “ARGYLLE,” HIS LATEST ACTION-PACKED, STAR-STUDDED SPY MOVIE
IN 2020, with the world in lockdown, visionary filmmaker Matthew Vaughn – the director and producer of “The Kingsman” films, “Kick-Ass” and “Stardust” – sat down at his home outside London and decided to stage a film-appreciation class for his wife, Claudia Vaughn (née Schiffer), and their two daughters, who were around 10 and 15 […]
-
Ads October 10, 2023
-
CSC, nag-aalok ng mga kurso sa pagsasanay para sa civil servants
NAG-AALOK ang Civil Service Commission (CSC) ng mahigit sa 70 kurso na may kinalaman sa leadership, foundation at Human Resource Management (HRM) sa pamamagitan ng Civil Service Institute (CSI) sa mga civil servants sa bansa para sa 2023. Kabilang sa mga kursong ito ang mga paksa sa iba’t ibang pamumuno at HR function […]