• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

23 BAKUNA PARA SA DENGUE PINAPAG-ARALAN

PINAPAG-ARALAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang 23 na bakuna para sa dengue kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dinadapuan ng sakit sa buong bansa.

 

 

Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang 23 bakuna ay nasa emergency medicine list ng World Health Organization (WHO)

 

 

Dagdag pa nito na nangangalap pa sila ng sapat na ebidensiya at pinapag-aralan at pag nakumpleto na ay magpupulong ang kanilang mga experts.

 

 

“So we will study this thoroughly para magkaroon  tayo ng recommendation para sa’ting Presidente kung saka-sakali.”

 

 

Hindi naman niya binanggit kung kasama dito ang kontrobersyal na Dengvaxia na isinusulong ng ilang health sector.  Sinabi kamakailan ni Vergeire na isa sa ikinukunsidera nila ang Dengvaxia ngunit kailangan muling sumailalim ito sa masusing pag-aaral.

 

 

Nasa kabuuang 64,797 kaso ng dengue na ang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 25.  Mas mataas ito ng 90% kumpara sa naiulat na 34,074 sa kaparehong panahon noong 2021.

 

 

Halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Ilocos region at Caraga ay nalagpasan na ang “alert/epidemic threshold” sa nakalipas na apat na linggo. (Gene Adsuara)

Other News
  • Memoriam wall sa mga yumao,itinatag ng Quiapo church

    Nagtatag ng memoriam wall ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa harap ng simbahan kung saan maaaring isulat ang pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay lalo na ang nasawi sa coronavirus.     Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng basilica, ito ay pakikiisa ng simbahan sa panawagan ng […]

  • Red alert sa suplay ng kuryente, nagbabadya

    INAASAHAN ng Department of Energy (DOE) na mailalagay ang Luzon Grid sa ‘Yellow Alert Status’ ng 15 beses habang nagbabadya rin ang pagdedeklara ng ‘red alert’ ngayong taon.     Ayon sa DOE, inaasahan ang yellow alerts ngayong buwan ng Mayo, ilang linggo sa Hunyo, Agosto, ­Setyembre, Oktubre at sa Nobyembre.     Nangangahulugan ang […]

  • Marcial, 3 pang Olympic-bound magsasanay sa Amerika

    Hindi lamang si middleweight Eumir Felix Marcial ang ipapadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa isang training camp sa Colorado Springs, USA.     Magsasanay din sa na­sabing kampo ng US boxing team sina Olympic-bound flyweight Irish Magno, fea­therweight Nesthy Petecio at light flyweight Carlo Paalam, ayon kay ABAP president Ricky […]