• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

$235 milyong investments nasungkit ni PBBM sa state visit sa Malaysia

TINATAYANG nasa $235 milyon halaga ng investment commitments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tatlong araw na state visit sa Malaysia.

 

 

Ang nasabing investments ay resulta ng pakikipag-usap ni Marcos sa mga negosyante sa Malaysia.

 

 

“The investment commitments that we have received as far are valued at around $235 million, which is a good indication that there is a strong interest from Malaysia to invest in the Philippines,” sabi ni Marcos.

 

 

Naniniwala pa ang Pangulo na ang engagement sa mga kumpanya sa Malaysia at business leaders ay potensyal para sa mutual beneficial outcomes sa Malaysia at Philippine companies.

 

 

Kabilang sa mga negosyante na nakapulong ng Pangulo ang mga nasa sektor ng agrikultura, transportasyon at teknolohiya. (Daris Jose)

Other News
  • NHA, mas pinaigting ang pagpapatayo ng mga dormitoryong pang-katutubo

    MAS pinalawig pa ng National Housing Authority (NHA) ang programa nito na makapagpatayo ng mas maraming dormitoryo para sa ating mga kababayang kabilang sa Indigenous Cultural Communities / Indigenous People (ICC/IPs) sa pamamagitan ng pag-apruba at paglabas nito ng NHA Memorandum Circular No. 2025-065. Isinabisa ito ng NHA Memorandum Circular No. 2025-065, na nag-amendya sa […]

  • SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

    KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.   Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test. […]

  • Inamyendahang substitute bill sa kaunlaran at pagsusulong ng mga malikhaing industriya sa Pilipinas aprubado

    Inaprubahan ng House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts sa Kamara, na pinamunuan ang substitute bill na naglalayong isulong at paunlarin ang mga malikhaing industriya sa Pilipinas.     Ang substitute bill ay para sa House Bill 4692, na iniakda ni Tarlac Rep. Victor Yap, HB 6476 ni Tarlac Rep. Carlos Cojuangco, at […]