• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

24.2 toneladang basura nahakot sa mga sementeryo sa Metro Manila nitong Undas

NASA  kabuuang 24.2 toneladang basura ang nahakot sa mga sementeryo sa Metro Manila matapos ang Undas.

 

 

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katumbas ito ng 85.2 cubic meters 0  7 truckloads na mas kumonti kaysa sa mga nakalipas na taon.

 

 

Inihalimbawa ni MMDA supervising officer for operations Bong Nebrija na ang ahensya ay nakapaghakot ng 5.25 toneladang basura mula sa Manila North at South Cemetery, Loyola Memorial Park, Libingan ng mga Bayani, San Juan City Cemetery at Bagbag Cemetery kumpara sa 27 truckloads o 162 tonelada ng basurang nakolekta noong nakaraang taon.

 

 

“This could be attributed to the fact that we were only limited to cleaning outside cemete­ries. There were lesser crowd in cemeteries as well because of the rainy weather,” ani Nebrija sa text sa mga mamahayag.

 

 

Muling binuhay ng MMDA ang kanilang ‘Oplan Undas’ mula Oktubre 27 hanggang ­Nobyembre 2.

 

 

Nasa 2,886 na tauhan na binubuo ng mga traffic enforcer at augmentation team ang idineploy para magsagawa ng clean-up operations sa iba’t ibang pampubliko at pribadong sementeryo sa Metro Manila.

 

 

Nagtayo rin ang MMDA Road Emergency Group ng mga tent na nagsilbing public assistance facility na may naka-standby na mga ambulansya sa Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Loyola Memorial Park sa Marikina City at San Juan Public Cemetery upang agad na tumugon sa anumang emergency.

 

 

Ang mga miyembro ng Reckless Dri­ving Enforcement Team, Anti-Jaywalking Unit at Sidewalk Clearing Operations Group ay ipinadala rin sa mga terminal ng bus sa Araneta, Cubao, EDSA, Pasay-Taft, Sampaloc, Dangwa at Min­danao ­Avenue para pag­handaan ang pagdagsa ng mga pasahero. (Daris Jose)

Other News
  • Onyok bibigyan ng Malacañang ng P500K

    Kung hindi pa siya nag­labas ng sama ng loob ay saka pa lamang maaaksyunan ang kanyang reklamo.     Bibigyan ng Office of the President  si 1996 Olympic Games silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. ng cash incentive na P500,000 para sa kanyang naibigay na karangalan sa bansa.     Si Senate Committee on Sports […]

  • Nag-pre-med na pero pinatigil para sa business course: RICHARD, natupad na ang pangarap na maging doktor kahit sa pag-arte lamang

    PANGARAP pala noon ng aktor na si Richard Yap ay ang maging isang doktor.   Sa latest episode ng online podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi ni Richard ang kanyang dream noon na maging isang neurosurgeon.   “I wanted to be a neurosurgeon when I was younger, and I actually took up pre-med […]

  • Pagkakaisa nais ni Ramirez sa POC

    BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board kasabay sa payo na iabot ang kanilang kamay sa lahat ng miyembro pati na rin sa mga natalong kandidato para sa inaasam na pagkakaisa sa pribadong organisasyon.   ““During my tenure as chairman of PSC, […]