• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkakaisa nais ni Ramirez sa POC

BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board kasabay sa payo na iabot ang kanilang kamay sa lahat ng miyembro pati na rin sa mga natalong kandidato para sa inaasam na pagkakaisa sa pribadong organisasyon.

 

““During my tenure as chairman of PSC, we never intervene with POC election and their programs. Kung sino man manalo, we can always work with them. We congratulate the winners,” wika kamakalawaa ni Ramirez, na ninanais ding magkaroon ng magandang samahan ang mga opisyal.

 

“Then again if we speak of unity, it is a very delicate work, because you cannot have unity without humility. You have to reach out to those people who lost in the election. But it is easier said,” hirit pa ng opisyal.

Kumpiyansa rin si PSC top honcho na magiging maayos ang samahan sa pagitan ng dalawang ahensiya sa sports pati na rin sa mga national sports association (NSA) para sa magiging kampanya ng bansa sa nakatakdang limang mga malalaking paligsahan sa labas ng bansa sa taong 2021.

 

Una sa mga ito ang 32nd Summer Olympic Games 2020 na naurong lang ng Hulyo sa susunod na taon dahil sa Covid-19 pandemic sa Tokyo, Japan, at 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam. (REC)

Other News
  • 28M Pinoy, nananatiling hindi pa bakunado laban sa COVID-19

    TINATAYANG umaabot pa sa 28 hanggang 30 milyong Filipino ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19.     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang sa numerong ito ang 3 milyong senior citizens o nasa edad na 60 pataas.     Dahil dito at sa patuloy na pagtaas ng bilang […]

  • Reyes, Amit sabak Hanoi Southeast Asian Games

    PANGUNGUNAHAN ni legend Efren ‘Bata’ Reyes  ang walo-katao pambansang koponan sa billiard and snooker na makikiagaw sa 10 gold medal para sa dalawang naturang cue sports ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.     Bibida si national playing-coach Reyes at Carlo Biado sa men’s squad, habang si Rubilen Amit […]

  • Pagwawakas sa work-from-home setup ipinuubaya ng DOLE sa mga employers

    Ipinauubaya na lamang ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer kung itutuloy pa ba nila o hindi ang work-from-home arrangement ng kanilang mga empleyado sa gitna ng COVID-19 pandemic.     Sinabi ito ni Bello matapos na magdesisyon ang national government na luwagan pa ang quarantine classification ng Metro Manila sa Alert […]