24-HOUR CURFEW SA MINORS, IPINATUPAD MULI SA NAVOTAS
- Published on July 22, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong July 17, iniulat ng COVIDKAYA na ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng COVID cases, ang pinakamataas sa Metro Manila.
“In June, we had the lowest average daily attack rate in the region. We even recorded 41 active cases on June 25. Now, our active cases have multiplied almost four times. We cannot be complacent. We need to implement additional measures to keep our people safe, especially the children and vulnerable sectors,” paliwanag niya.
“Each of us wants our life to go back to normal. However, we are facing a pandemic and we need everyone’s support and cooperation in keeping each other safe,” dagdag niya.
Nauna rito, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpasa ng resolusyon na pumapayag sa mga kabataang edad 5 pataas na maaaring lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ.
Ang Navotas ay naghahanda na sa pagpapatupad sa naturang polisiya subalit, nagpasyang pigilan ito dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases.
Hanggang July 18, ang Navotas ay nakapagtala ng 11,244 cases, 10,713 dito ang mga gumaling, 154 ang active, at 377 ang mga namatay. (Richard Mesa)
-
SUNSHINE, ‘di kataka-taka kung pasukin na rin ang pagdidirek
MARAMING humanga sa Instagram post ni Director Mark Reyes: “My associate director and co-producer for #bnbthebattleofbrodyanandbrandy @m_sunshinedizon hard at work planning for our first day shoot.” Nakaka-bilib naman talaga si Sunshine Dizon, isang mahusay na actress, kaya hindi kataka-taka kung pasukin na niya ngayon ang pagdidirek. Siguradong marami na siyang natutunan sa showbiz […]
-
Ads January 27, 2023
-
Mga abusadong ina sa anak, pwedeng kasuhan ng ama – SC
PINAPAYAGAN na ng Supreme Court na magsampa ng reklamo ang mga ama bilang kinatawan ng kanilang anak laban sa mga abusadong ina. Sa 18-pahinang desisyon na pirmado ni Justice Mario Lopez nitong July 12, 2022 na nalathala nitong Pebrero 6, 2023, maaring sampahan ng mga ama ang ina ng kanilang anak ng paglabag […]