• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

249-K doses ng Moderna COVID-19 vaccines dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.

 

 

Dakong alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng nasabing bakuna sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport at sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang mga bakuna.

 

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na ang 150,000 doses ay mapupunta sa gobyerno haban ang 99,600 ay ibibigay sa International Container Terminal Service Incorporated (ICTSI).

 

 

Pinangunahan kasi ni Enrique Razon Jr ng ICTSI ang tripartite deal na pinirmahan ng gobyerno ng Pilipinas at American company.

 

 

Mayroong 20 milyon Moderna doses ang inaasahang darating sa bansa sa 2021 kung saan pitong milyon dito ay binili ng private sector habang 13 milyon ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng multilateral loans.

 

 

Ang Moderna ay siyang pang-limang COVID-19 brand na dumating na sa bansa kasunod ng Sinovac, AstraZeneca, Sputnik. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mga lugar na may mataas na ‘quarantine classification’ mas lalo pang hihigpitan ng PNP

    Mas lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagpapatupad ng kanilang seguridad sa lahat ng mga quarantine control points lalo na duon sa mga lugar na may mas mataas na quarantine classification gaya na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).   Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations (TDCO) at JTF Covid […]

  • PBBM, sa kondisyon ng Pinas: ‘Dumating na ang Bagong Pilipinas’

    Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.  Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na. Tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the […]

  • Enrolled bill ng 2021 budget, inihahanda na para sa lagda ni Pangulong Duterte

    Inihahanda na ng Kongreso ang enrolled bill para sa 2021 national budget.   Ito’y makaraang makalusot na ang P4.5 trillion budget sa paghimay ng bicameral conference committee at naratipikahan na rin sa Kamara at Senado.   Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, ihahanda na nila ang lahat ng kinakailangan para maihatid […]