• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

25 call center agents, nag-positibo sa COVID-19 matapos ang beach party sa Subic

Iimbestigahan pa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kung may nalabag na health protocols sa loob ng Subic Freeport dahil dito lamang ang jurisdiction ng SBMA.

 

May kaugnayan ito sa 25 empleyado ng isang business outsourcing company (BPO) na nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanilang isinagawang beach at pool party sa Subic.

 

Ayon kay Ronnie Yambao, deputy administrator ng SBMA Public Health and Safety Department, na bigla na lamang daw nagkaroon ng biglang pagtaas sa COVID-19 cases dahil sa naturang beach party.

 

Base umano sa report na ipinadala ng hindi na pinangalanan pang BPO company, hindi umano alam ng pamunuan nito ang ginawang mass gathering o pagtitipon-tipon ng kanilang empleyado.

 

Saad pa ni Yambao na nagsagawa ng stringent contact tracing ang kumpanya at SBMA kung saan nabatid nila kung sino-sino ang mga naging close contacts ng mga empleyado.

 

Tiniyak naman ni Yambao na lahat ng close contacts at infected ay naka-isolate na sa mga isolation facilities ng mga local government units.

 

Samantala, nagbigay pa rin ng tulong pinansyal ang kumpanya para sa kanilang mga empleyado na nagpositibo sa nakamamatay na sakit subalit hindi pa rin makakaligtas ang mga ito mula sa disciplinary action ng kanilang human resource department dahil sa pagpapabaya. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Gilas Pilipinas naka-focus na sa SEA Games

    NAKATUON  na ang atensiyon ng mga Gilas Pilipinas sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games.     Karamihan kasi sa mga manlalaro na kinuha ng Gilas Pilipinas ay mga PBA players.     Sinabi ni Gilas player Matthew Wright na dapat hindi hayaan ng Gilas ang pagiging dominante nila sa SEA Games.     Itinuturing […]

  • DepEd, pinasalamatan ang donors ng Brigada Eskwela

    Pinasalamatan ng Department of Education (DepEd) ang mga donors at sumusuporta sa “Brigada Eskwela” program.   Lahad ni External Partnerships, and Project Management Service Tonisito M.C. Umali Esq. sa online press conference, layon ng BE ngayong taon na mag-focus sa partnership activity at engagement” bilang suporta sa pagpapatupad ng Basic Education -Learning Continuity Plan (BE-LCP). […]

  • Suportado naman ng fans nila ni JAMES: NADINE, ‘di na maitatago na boyfriend na ang French resorts owner na si CHRISTOPHER

    KAHIT na sabihin na hindi na naman kailangan pa ng formal na confirmation, tila official pa rin na ginawa ni Nadine Lustre na i-announce sa lahat ang present boyfriend niya.     Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post si Nadine ng pictures kunsaan, tila nasa isang party sila, may hawak pang drinks si Nadine […]