• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,536 frontliners, inayudahan ng Makati government

Makakatanggap ng pamaskong groceries at wellness kits ang nasa  2,536 medical frontliners ng Ma-kati Health Department, Ospital ng Makati, at Incident Command Post (ICP).

 

Laman ng bawat wellness kit ang grocery items, isang juice box na may kasamang reusable tumbler, isang dosenang donuts at food voucher na nagkakahalaga ng 500 pesos.

 

Sinabi ni Makati Mayor Abby Binay, ito ay isang paraan upang maipadama ng lungsod ang pagpupu-gay at taos-pusong pasasa-lamat sa lahat ng sakripisyo at kontribusyon ng medical frontliners sa epektibong pagtugon nito sa mga hamon ng pandemya.

 

Titiyakin naman na magiging ligtas at susundin ang health protocol sa pamamahagi ng wellness kits sa mga nasabing  tanggapan ng mga medical frontliners.

 

Bukod sa pagbibigay ng sapat na personal protect equipment (PPE), ha-zard pay, libreng shuttle services, bitamina, flu at pneumonia vaccine, at lib­reng mass testing para sa mga essential workers, ina­prubahan din ng  lungsod ang pagpapataas ng sahod ng mga nurses at pagkuha ng karagdagang medical workers sa Makati.

 

Samantala, upang tuluy-tuloy naman ang pagbibigay serbisyo sa Makatizens, bibigyan naman ng emergency kits o “Go Bag”  ang  nasa 8,000  mga regular at contractual employee ng Makati City government.

 

Sinisiguro ni Mayor Abby na handa laban sa sakuna ang mga frontliner at kawani ng lungsod lalo na sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng emergency kit for employees. Ang bawat kit ay naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa isang tao sa loob ng 72-oras matapos ang sakuna. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 500K hanggang 1 milyong vaccination kada linggo

    TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong indibidwal bawat linggo simula sa buwan ng Abril.   Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdating ng mas maraming mga bakuna sa nalalapit na pagsapit ng 2nd quarter.   “So ang targeted vaccination natin by April and May, hinahabol  namin na magkaroon tayo ng 500,000 […]

  • Pangatlo na ito sa kanyang collection: JILLIAN, sinorpresa ng magulang sa regalong sports car na pang-taping niya

    DAHIL sa sipag ni Jillian Ward sa trabaho, sinorpresa siya ng kanyang magulang sa regalo nilang brand new BMW M-Sport na magagamit niya sa kanyang tapings.   Sa Instagram Stories post ni Jillian noong Lunes, nai-share niya ang bagong sasakyan at ang pasasalamat niya sa kanyang magulang.   “Thank you Mama and Papa for my […]

  • OCTA research, tiwala sa hakbang ng gobyerno na ituloy na ang pagsasagawa ng face to face classes

    TIWALA ang OCTA Research sa desisyon ng  gobyerno  na ipilit ang face to face classes sa darating na Agosto para sa school year 2022- 2023.     Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni Dr. Guido David  na tiwala silang naging mabusisi ang gobyerno para pagpasiyahang ikasa na ang face to face ng mga mag- […]