Pia, umaming labis na nasasaktan sa bangayan ng ina at kapatid
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
MAY pakiusap ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa publiko tungkol sa bangayang nangyayari ngayon sa kapatid niyang si Sarah Wurtzbach- Manze at inang si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall.
Ayon kay Pia, “I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online. This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic expe- rience and I humbly ask everyone to be kind to her.
“We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.”
Ilang araw na kasing pinagpiye- piyestahan sa social media ang gusot ng mag-inang Sarah at Cheryl na sinimulan ng una dahil base sa intindi namin ay dumaranas ito ng anxiety at gusto niyang ilabas ang lahat ng pinanggagalingan nito.
Pero hindi sukat akalain ng mga nakabasa na damay ang ina at itinurong dahilan kung bakit nakararamdaman ng ganito si Sarah.
Nitong Lunes ng gabi ay hindi na kinaya pa ng dating beauty queen ang mga nababasang komento tungkol sa kapatid at ina sa social media kaya nakiusap siya na tigilan na ang victim shaming.
Nag-post si Pia ng larawan nilang pamilya kasama si Sarah, Cheryl at ang dalawang pamangkin na sina Lara at Logan.
Hiling din niya sa publiko na huwag husgahan ang kapatid dahil may pinagdadaanan ito.
“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko.
“Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing. Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po.”
Nagpakita ng suporta sa pag- post ng heart emoji ang kapwa beauty queens ni Pia na sina Thia Thomalia (Miss Eco International 2018); ‘Stay Strong P’ sabi naman ni Miss Binibining Pilipinas 2019 Gazini Ganados; “Prayers for you family Pia” say naman ni Miss Earth Philippines 2015, Angelia Ong; “Thinking of you and your family” pahayag ni Miss Universe Canada 2016, Siera Bearchell; “God Bless You” ayon naman kay Miss Universe 2011, Leila Lopes ng Angola at Miss International 2013/Mutya ng Pilipinas 2011 na si Bea Santiago na nagsabing, “We got you P! We love and care for u and your family.”
Maraming kaibigan sa showbiz at non-showbiz din ang umalalay kay Pia ang isasama silang pamilya sa kanilang mga panalangin.
*****
KABILANG ang pelikulang Belle Douleur, ang first full-length movie na idinirek ni Quantum producer, Atty. Joji V. Alonso sa 10 Filipino films sa Asian Film Festival sa Barcelona, Spain na mapapanood simula Oktubre 28 – Nobyembre 8.
Ang mga pelikulang kasama sa Special sections ay Chengfeng Town, Distance, Indus Blue, Iska, Kalel 15, Last Night I saw you Smiling, at Lingua Franca.
Kasama naman sa Net Pac section ang Ama Khando, Edward, Goodbye Mother at In The Name of the Mother.
Sa Discoveries section ay ang mga Ayu at Latay.
Ang pelikulang Mindanao naman ang kasama sa Official section.
At ang Belle Douleur at pelikula ni Lav Diaz ang magkasama sa Official Panorama section.
Kaya naman sobrang saya ni Atty Joji dahil sila ni Lav Diaz ang magkasama.
“Nagulat ako nang sobra when I found out. Diyos ko, what an honor to be pa part of that section. Most grateful.
“I wish though I could be there and witness the foreign audience watch the film. But the fact that we are alive and healthy is more precious,” sabi sa amin ng direktora pero hindi siya makadadalo dahil tumataas ang Covid-19 cases sa Europe kung saan parte ang Spain.
Ang post ni Atty. Joji sa kanyang FB, “Belle Douleur is among 22 films currently competing in the Panorama Section of the Asian Film Festival in Barcelona. And we are pitted against the film of no less than THE multi awarded Lav Diaz. Such an honor and shocking surprise!”
Tinag niya ang mga kasama sa Belle Douleur na sina Milen Dijon, Keith San Esteban, Marlon Rivera, Jenny Jamora, Ricky Lee, Therese Cayaba, Patricia Sumagui, Mycko David, Angel Diesta, Marinette Lusanta, Lexter Favor Tarriela, Marya Ignacio, Len Calvo at Mikko Quizon.
Ang producer na si Ferdy Lapuz ay pinasalamatan din dahil siyang nag-asikaso para mapasama sa nasabing festival at siyempre ang co-producer niyang sina Deo Endrinal for Dreamscape Entertainment, iWantTFC at Cinemalaya. (REGGEE BONOAN)
-
Gobyerno, handa ng ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers —DBCC
HANDA na ang pamahalaan na ipalabas ang P2.5 billion para sa fuel subsidy para sa PUV drivers. Isa itong relief assistance para mapagaan ang epekto ng kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa apektadong sektor. Sa isang kalatas, ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) — binubuo ng mga […]
-
Ilang beses nang nakaranas ng ‘himala’: NORA, tatlong minutong namatay at milagrong nagkamalay
PINASIKAT na movie line ni Superstar Nora Aunor ay ang “walang himala” na hango sa kanyang 1982 film na ‘Himala’. Pero sa tunay na buhay, ilang beses na raw nakaranas ng himala sa kanyang buhay si Ate Guy. Sa naging kuwentuhan nila ni Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, […]
-
Kapalaran ni Obiena sa SEA Games di pa tiyak – POC
Hinihintay pa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang desisyon ng World Athletics para mapayagang makasali si Pinoy pole vaulter EJ Obiena. Dagdag pa nito na wala sanang pagdaranan na mahabang proseso si Obiena sa pagsali sa nasabing biennial event kung pinayagan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) […]