27-anyos na wanted sa murder sa Valenzuela, nalambat sa Leyte
- Published on November 11, 2024
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na wanted sa kasong murder sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa probinsya ng Leyte.
Sa kanyang report Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ng 27-anyos na lalaking akusado na residente ng Samar.
Kaagad inatasan ni Col. Cayaban ang Station Intelligence Section (SIS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado na nakatala bilang Top 2 Most Wanted Person sa Lungsod ng Valenzuela.
Katuwang ang mga tauhan ng RID PRO8, 801st at 805th RMFB-8, isinilbi ng mga operatiba ng Valenzuela Police SIS sa akusado ang warrant of arrest dakong alas-10:15 ng umaga sa Barangay Campitec, Palo Leyte.
Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Cayaban sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City na may petsang December 22, 2020, para sa kasong Murder.
Pinuri naman ni Col. Ligan si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Valenzuela police custodial facility unit habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order. (Richard Mesa)
-
Pagkatengga ni Diaz dinokyu ng Malaysia TV
ITINAMPOK si 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz sa isang television program sa Malaysia kung saan siya patuloy na stranded sapul noong Marso dahil sa Covid-19. Pero patuloy na nagti-training para mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo ang 29-anyos, […]
-
Pagpasok sa Pinas ng foreign nationals at returning OFWs, suspendido
PANSAMANTALANG sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpasok ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos (OFWs) na non-overseas workers sa bansa simula sa Marso 20 hanggang Abril 19. Ipinag-utos din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na limitahan lamang ang inbound international passengers sa 1,500 kada […]
-
Maradona, nasa ‘excellent’ condition – doctor
NASA ‘excellent’ condition na si dating football star Diego Maradona matapos na ito ay operahan. Tinanggal kasi ng mga doctor ang blood clot sa kaniyang utak nitong nakaraang mga araw. Ayon sa kaniyang doktor na si Leopoldo Luque, na gumaganda na ang kalagayan nito. Ipinagpipilitan pa niyang umalis na sa Olivos clinic sa […]