27 milyong Pinoy, target na gawing fully vaccinated ng gobyerno sa katapusan ng buwan
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 27 milyong Filipino laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng buwan.
Isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., isa ring chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na hangad ng gobyerno na gawing bakunado o fully vaccinated ang limang milyong Filipino kada linggo sa natitirang tatlong linggo o 15 milyon sa katapusan ng buwan ng Agosto.
“As of Aug.” may kabuuang 12,282,006 indibidwal o 17.19 porsiyento ng eligible target population ng bansa na ang fully vaccinated.
“Hopefully ma-breach natin ang 27 million [second dose] so more or less sa computation namin, if we’re able to breach five million per week, makukuha natin ang 15 million ngayong August ,” ani Galvez.
Gayundin, may kabuuang 4,395,263 indibiduwal naman ang nakatanggap ng kanilang first dose. Ang kabuuang bilang ng nabakunahan naman simula Marso 1 ay 26,677,269.
Ang pahayag na ito ni Galvez ay makaraang personal na masaksihan ang pagdating sa bansa ng 575,800 doses ng AstraZeneca vaccines na binili sa pamamagitan ng trilateral agreement kabilang na rito ang national government, private sector na nagsilbing kinatawan ng Go Negosyo Foundation, at British-Swedish pharmaceutical company.
Samantala, ang karagdagang 15,000 doses ng Sputnik V mula Russia ay inaasahang darating sa bansa mamayang alas-4 ng hapon.
Ang mga biniling bakuna sa pamamagitan ng private sector-led “Dose of Hope”, na dineliver via China Airlines flight CI 701 na bumaba sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Lungsod ng Pasay dumating sa bansa dakong alas-9 ng umaga.
“These comprised the second tranche of procured vaccines under the Dose of Hope program. The first tranche — consisted of 1,150,800 doses — arrived on July 16,” ayon sa ulat. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
WHO official: ‘Hindi lockdown ang pangunahing responde sa COVID-19’
MISMONG special envoy ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 ang nagsabi: hindi suportado ng organisasyon ang mga lockdown bilang hakbang sa pagkontrol ng coronavirus. Sa isang panayam, sinabi ni Dr. David Nabarro na ang masyadong pag-depende ng mga bansa sa lockdown ay posibleng magbunga ng hindi magandang epekto sa global economy. […]
-
Iloilo City gov’t nagpaliwanag sa maling brand ng bakuna ang naiturok sa vaccinee
Nagpaliwanag ang Iloilo City government kasunod ng reklamo ng isang vaccinee na binakunahan ng first dose ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sinovac ngunit para sa kanyang second dose, Moderna na ang naiturok sa kanya. Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na base sa naging […]
-
Naka-focus na uli ngayon sa karakter sa serye: ALDEN, ‘di makapaniwalang tapos na ang movie nila ni KATHRYN
NAGBALIK na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa set ng GMA Prime series na Pulang Araw. Halos isang buwan siyang nawala rito para naman i-shoot ang kanyang upcoming movie na Hello, Love, Again sa Canada. Dumaan din siya ng Amerika para maging bahagi ng Sparkle World Tour. […]