27K pasahero dumadagsa kada araw
- Published on December 15, 2022
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa 27,000 pasahero ang lumalapag sa bansa kada araw na karamihan ay mga balikbayan na nais makasama ang kanilang pamilya sa selebrasyon ng darating na Pasko, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni Carlos Capulong, acting chief ng BI-Port Operations Division, nasa pagitan ng 25,000 hanggang 27,000 ang kanilang naitatala na dumarating na pasahero sa lahat ng paliparan sa bansa nitong mga nakalipas na araw.
Napakalaki ng agwat nito kumpara sa 5,000 passenger arrivals na naitala nila nang umpisahang buksan ang borders ng Pilipinas sa mga dayuhang turista nitong Marso.
Samantala, inaasahan pa na lalong dadagsain ng dayuhang turista ang Pilipinas partikular na ang Boracay sa pagbubukas ngayong Disyembre ng international flights patungo sa Taiwan sa mga bagong Kalibo at Caticlan airports sa Aklan.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakaiskedyul na ikasa ang “inaugural flight” ng “new Caticlan airport” ngayong araw (Dec. 13) mula Caticlan patungo sa Taipei ng Royal Air.
-
WHO naniniwalang mayroon ng bakuna laban sa COVID-19 sa katapusan ng taon
NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na posible sa katapusan ng taon ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na maraming mga bansa na ang nag-uunahan na na gumawa na ng bakuna. Mayroon na kasing siyam na experimental vaccines sa ilalim ng WHO-led COVAX global vaccine […]
-
Ads February 11, 2020
-
Ads September 22, 2021