• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, masusing pinag-aaralan ang posibilidad ng pagluluwag pa ng travel restrictions sa bansa

MASUSING pinag-aaralan ngayon ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad ng pagluluwag pa ng travel restrictions sa bansa.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na partikular nilang pinag-uusapan ang pagpayag sa non-essential trav- els mula sa mga turistang galing sa mga bansang may mababang kaso ng COVID-19.

 

Aniya, pinag-aaralan na nila ang posibleng pagbubukas ng borders sa mga bansang halos walang kaso ng COVID-19.

 

Sinabi ni Nograles, co-chair ng IATF, na hindi magiging basta- basta ang pagbubukas ng Pilipinas sa mga turista galing sa ibang bansa.

 

“It is still something that has to be decided by the IATF at nung technical working group natin sa IATF. Rest assured, ito po ay pinag-uusapan, and it would be a calibrated step-by- step approach. Hindi po basta- basta ‘yan,” ayon kay Nograles.

 

Aniya, tinitingnan nila kung anong mga bansa ang tumatanggap din ng mga Pilipino.

 

“Kasi may mga ibang bansa na tumatanggap ng mga mula sa Pilipinas. So, tinitignan din natin yung option ng reciprocity. Kung sila ay tumatanggap ng mga Pinoy at Pinay, baka kung low transmission din naman po sila, baka tayo rin po ay papayag na tumanggap muli ng mula rin sa bansa nila, as reciprocity,” anito.

 

Kung sakali naman aniya na mapayagan nga ng IATF ay kaagad na maglalabas ng listahan ng mga bansa ang pamahalaan, maging ang alituntunin bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

 

“Ipaalala ko lamang na ginawa ng Department of Health ‘yang guidelines na ‘yan in preparation for the eventuality na magbubukas po tayo sa mga coun- tries na low at medium transmission. So wala pa po tayo sa point na ‘yan. Pinangunahan lang ng DOH para preparado na medyo ang protocols ng DOH,” ang paliwanag ni CabSec Nograles.

 

Magugunitang, nakasaad sa pinakahuling resolusyon ng IATF na pinayagan nito ang non- essential outbound travel ng mga Pilipino basta may maipakita lamang na round trip ticket, travel at health insurance, at declaration na alam nila ang banta sa kanila ng pagbiyahe sa ibang bansa.

 

Kailangan din aniya na magpakita ang mga ito ng negatibong resulta mula sa antigen test na ginawa 24 na oras bago ang kanilang nakatakdang pagbyahe. (Daris Jose)

Other News
  • DTI, OK sa plano ng private firms na magbigay ng regalo sa employees na magpapaturok ng vaccine

    Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukala mula sa mga grupo ng mga negosyante na magbigay ng regalo sa mga empleyado ng mga private firms na magpapaturok ng COVID-19 vaccine.     Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, na walang silang plano na magbigay ng anumang passes para sa agad na […]

  • TONY, nakapagpiyansa na at nag-file na rin ng motion for reconsideration para sa kaso niya

    NAKAPAGPIYANSA ang kontrobersyal na aktor na si Tony Labrusca pagkatapos siyang kasuhan for aggravated acts of lasciviousness ng Makati Office of the City Prosecutor.     Sa kanyang statement to ABS-CBN News Monday, Labrusca’s counsel Joji Alonso affirmed that Labrusca is innocent of the acts of lasciviousness charge.     “We sustain that Mr. Labrusca […]

  • SAMELA AUBREY, kinoronahan bilang ‘Miss Culture International 2021’; ika-apat na nanalo sa taong ito

    MULING nagwagi ang Pilipinas sa isang international beauty pageant at ito ay mula sa Miss Culture International 2021.     Ang nag-uwi ng korona ay ang ating representative na si Samela Aubrey Menda Godin sa naturang pageant na ginanap sa Lyric Theater in Gold Reef City, South Africa.     Bukod sa main title, napanalunan […]