• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2k baboy mula sa South Cotabato nasa Vitas, Tondo na

INANUNSYO ng Malakanyang ang pagdating 2,000 baboy mula sa South Cotabato kung saan ito ngayon ay nasa Vitas, Tondo.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay iparating sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila ang nasabing baboy dahil ito ay kabahagi ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para maibsan ang kakulangan ng suplay ng baboy sa MM.

 

Layon nito na mapababa ang presyo ng baboy at kahit papaano  ay umabot sa price cap net ng gobyerno.

 

Matatandaang, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order 124 na itinakda ang presyo ng kasim/pigue ng baboy sa P270 kada kilo,samantalang ang liempo naman ay P300 kada kilo habang ang presyo naman ng dressed chicken ay hindi dapat lumampas sa P160 kada kilo sa lahat ng pamilihan sa Metro Manila.

 

Nakasaad sa EO na ipinalabas ang kautusan upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin kung saan inirekomenda ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng price ceiling sa ilang pork at chicken products.

 

Ayon pa sa kautusan, ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing pa­ngangailangan sa National Capital Region (NCR) katulad ng baboy at manok ay lubhang tumaas na naging pahirap sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

 

Nabawasan din ang karne ng baboy sa bansa dahil sa outbreak ng African Swine Fever na nakaapekto sa suplay at naging dahilan sa pagtaas ng presyo nito.

 

Binanggit din sa EO na may kapangyarihan ang Pangulo na magpatupad ng price ceiling na nakapaloob sa Section 7 ng  Republic Act 7581 o Price Act base sa rekomendasyon ng implementing agency o Price Coordinating Council kung may emergency o calamity sa bansa.

 

Matatandaan na sa Proclamation No. 1022 pinalawig ang State of Calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19 mula Setyembre 13,2020 hanggang Setyembre 12, 2021. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr: 47.1 M na pasahero ang sumakay sa EDSA busway

    NAKAPAGTALA ang Department of Transportation (DOTr) ng 47.1 million na pasahero ang sumakay sa EDSA busway noong nakaraang 2021 na may daily average na 129,000 na katao ang gumamit ng EDSA busway.     “We are happy that many benefited and are continuously benefiting from EDSA busway, especially during this time of pandemic,” wika ni […]

  • Valenzuela nagbigay ng P4-milyon ayuda sa Isabela at Cagayan

    Matapos magpaabot ng P6-milyong tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly, nagbigay naman ang VC Cares Plus Program ng Lungsod ng Valenzuela ng P4-milyon tulong financial assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.   Sa ipinasa ng 8th City Council ng City Government ng Valenzuela na Resolution No. 1882, […]

  • PUWERSA NG MPD, HANDA NA SA COC FILING

    KASADO na ang puwersa ng Manila Police District (MPD) para sa filing ng certificate of candidacy na magsisimula bukas Oct.1.     Halos 400 pulis ang naka-standby para ideploy sa walong araw na filing ng COC ayon kay MPD Director Brog.Gen.Leo Francisco.     Ayon naman kay Police Capt. Philipp Ines, ang tagapagsalita ng MPD, […]