2nd hat-trick dinale uli ni De los Santos
- Published on December 29, 2020
- by @peoplesbalita
MULING umiskor si Orencio James Virgil ‘OJ’ de los Santos sa pangalawang sunod na pagkakataon na Manalo ng tatlong gold medal sa isang araw lang sa buwang ito sa mga online karate tournament para upang sementuhan ang pagiging world No. 1 e-kata karateka.
Pinananalunan nitong Disyembre 21 ng gabi ng 30 taong-gulang, may taas na 5-5 na tubong Cebu pero nakabase sa Maynila na karatista ang 3rd Athletes E-Tournament 2020, Okinawa E-Tournament World Series 2020 third leg, at ang 3rd Dutch Open E-Tournment upang makalikom na ng 33 golds sa taong ito kahit may pandemya.
Nagwagi rin si De los Santos sabay-sabay sa isang araw lang din sa tatlong torneo sa unang linggo ng Disyembre sa Rome International Endas Karate Cup 2020, E-Karate Games 2020 – Edition #3, at 2nd Euro Grand Prix E-Toournament 4Karate 2020.
Ipinahayag ng atletang kasapi ng nitong Martes, Dis. 22, na hindi pa tapos ang laban niya ngayong buwan o taon dahil sa tatlo pang mga sasalihang kompetisyon. (REC)
-
P73.28 milyong confidential funds ni VP Sara pinasosoli ng COA
INATASAN ng Commission on Audit (COA) si Vice President Sara Duterte na isoli ang P73.28 milyon na bahagi ng P125 milyong confidential funds na ginasta ng tanggapan nito sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022 dahil ang nasabing item ay itinuturing na ‘disallowed fund” sa ilalim ng regulasyon ng pamahalaan. Ang “COA’s notice […]
-
Naiyak at natakot sa ilang misyon sa ‘Running Man PH’: KOKOY, hindi inaasahan na malalasing kasama si ANGEL
LALO pang pinainit ng mga sexy hunks ng Sparkle ang summer sa pamamagitan ng kanilang short video na Boys of Summer. Pinakanatuwa ay ang mga beki dahil napagsama ng Sparkle ang mga pinapantasya ngayong mga lalake on television. This time ay mga pawisan sila sa paglaro ng basketball. May kanya-kanya nga raw na […]
-
Mga oil firms halos magkakasabay na nagpatupad ng dagdag bawas sa presyo ng kanilang produkto
HALOS magkakasabay ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng dagdag bawas ng kanilang mga produkto. Mayroong P1.40 ang idinagdag sa kada litro ng gasolina. Habang ang mayroong P0.50 naman sa bawat litro ng diesel ang ibinawas. Nagbawas din ang kerosene ng P0.35 ng kada litro. Naunang […]