• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2nd hat-trick dinale uli ni De los Santos

MULING umiskor si Orencio James  Virgil ‘OJ’ de los Santos sa pangalawang sunod na pagkakataon na Manalo ng tatlong gold medal sa isang araw lang sa buwang ito sa mga online karate tournament para upang sementuhan ang pagiging world No. 1 e-kata karateka.

 

Pinananalunan nitong Disyembre 21 ng gabi ng 30 taong-gulang, may taas na 5-5 na tubong Cebu pero nakabase sa Maynila na karatista ang 3rd Athletes E-Tournament 2020, Okinawa E-Tournament World Series 2020 third leg, at ang 3rd Dutch Open E-Tournment upang makalikom na ng 33 golds sa taong ito kahit may pandemya.

 

Nagwagi rin si De los Santos sabay-sabay sa isang araw lang din sa tatlong torneo sa unang linggo ng Disyembre sa Rome International Endas Karate Cup 2020, E-Karate Games 2020 – Edition #3, at 2nd Euro Grand Prix E-Toournament 4Karate 2020.

 

Ipinahayag ng atletang kasapi ng  nitong Martes, Dis. 22, na hindi pa tapos ang laban niya ngayong buwan o taon dahil sa tatlo pang mga sasalihang kompetisyon. (REC)

Other News
  • Ads April 9, 2022

  • PBBM, hinikayat ang mga Filipino sa Lebanon, Israel na umuwi na ng Pinas

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Filipino sa Lebanon at Israel na bumalik na ng Pilipinas habang available pa ang mga byahe sa gitna ng tensyon sa Gitna ng silangan.     “We hope that you will avail yourselves of our repatriation program while flights are available,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa […]

  • 3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela

    PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw.     Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya […]