• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2nd SONA ni PBBM, ipakikita ang ‘significant progress’ ng Pinas

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na mapagtatanto ng mga filipino na ang bansa ay nakagawa ng “significant progress”  habang pinapakinggan ng mga ito ang kanyang pangalawang  State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo.

 

 

Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay sa Hulyo  24, araw ng Lunes.

 

 

Sinabi ng Panulo na makikita na ngayon ng taumbayan ang pagkakaiba kung paano magtrabaho ang pamahalaan kumpara sa bago pa siya mag- landslide victory noong  2022 elections.

 

 

“That’s what I want to explain to people that we have made significant progress,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“We can see the difference now, not only in terms of how the systems work, how the government works, it is also how we are seen or judged in the international community. That’s equally important,” dagdag na wika nito.

 

 

Kasama sa babanggitin ng Pangulo sa kanyang pangalawang SONA ang mga  plano at mga programa na kanyang tinalakay noong nakaraaang taon, ang progreso nito, kung ano pa ang magagawa ng gobyerno  at kanyang mga plano para sa pagsusulong.

 

 

“It’s just a performance report for Filipinos to see na sa dami ng mga pronouncements, sa dami ng mga salita, kung ito ba ay talagang may kabuluhan [o] salita lamang,” anito.

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na hindi pa siya nakapagdedesisyon sa kung ano ang kanyang isusuot sa SONA sabay pag-amin na siya’y  “worried about writing the speech.”

 

 

Noong nakaraang buwan,  nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Marcos na mayroon siyang ipi-presenta sa publiko sa  kanyang pangalawang SONA.

 

 

Sa katunayan, naghahanda na aniya sila sa naturang annual event.

 

 

“Sa palagay ko naman, mayroon naman tayo ipapakita, and that’s what the content of the SONA, I think, will probably be,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Winika pa nito na nagsimula na silang mangolekta ng materyales na kakailanganin para sa kanyang magiging talumpati subalit hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ukol dito.

 

 

Bagama’t nabigo ang Pangulo na banggitin ang  illegal drug situation sa bansa sa kanyang unang SONA, tinalakay naman ng Pangulo ang plano ng kanyang administrasyon para tugunan ang  post-pandemic economic recovery ng bansa.

 

 

Nasambit din ng Pangulo ang “food crisis, healthcare, bridging the country’s digital divide, and continuing the previous administration’s infrastructure program.”

 

 

Isiniwalat din ng Pangulo ang kanyang foreign policy,  sabay sabing mananatiling “friendly” ang Pilipinas sa lahat ng bansa, subalit hindi kailanman papayag na isuko ang kahit na isa mang pulgada ng teritoryo nito sa  foreign powers. (Daris Jose)

Other News
  • Sara Duterte, susunod na DepEd chief – Marcos Jr.

    PUMAYAG si Vice Presidential frontrunner Sara Duterte na pamunuan ang Department of Education (DepEd).     “I think I am already authorized to announce the first nominee that we will be giving to the Commission on Appointments when the time comes, should I be proclaimed. That is that our incoming vice president has agreed to […]

  • Sabete bumalik sa PSL, Sta. Lucia Lady Realtors

    BALIK sa Sta. Lucia makalipas ang tatlong taon si Jonah Sabete, habang kinuha rin ng koponan ang serbisyo ng mga beteranang sina Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa at Jovy Prado, base sa pahayag ng prangkisang Robles nitong Linggo.     Pinakilala sa isang video clip ng Lady Realtors ang tatlong bagong kuhang ace players para ayudahan ang […]

  • Infected ng COVID, 9.7-M na – reports

    Umaabot na sa 9,709,151 ang mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo.   Sa nasabing bilang, 3,904,597 (99%) ang nasa mild condition at 57,620 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.   Ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa mga bansang may corona virus, kung saan may 2,504,588 cases na sila, habang 126,780 […]