• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pumatay sa empleyado ng BPO hawak ng pulisya

HAWAK na ng pulisya ang dalawang suspek na bumaril at pumatay sa isang empleyado na pamangkin ng isang radio anchor sa Sampaloc, Maynila.

 

Nakakulong ngayon sa MPD Detention cell ang suspek na si sina Jan Michael Teodocio, 25, binata, nakatira sa 1979 Narra ext, Brgy 230 Zn 31, Tondo, Maynila at Clint Robert Tallity, 26, nakatira sa Oroquieta St, Sta Cruz, Maynila.
Ang dalawa ay suspek sa pagpatay sa biktimang si Jansen Esteban, 25, binata, empleyado ng BPO company sa BCG ,Taguig City, residente sa 638 H Aranga St., Sampaloc at pamangkin ng radio anchor na si Joel Gorospe.

 

Matatandaan na dakong alas- 2:30 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa kahabaan ng Dapitan St., kanto ng Algeciras Street, Sampaloc, Maynila.

 

Hinarang ng mga suspek ang biktima saka pilit inaagaw ang kanyang NMax na motorsiklo.

 

Nang tumanggi ang biktima ay saka nila pinaputukan at tinangay ang motorsiklo.

 

Narekober naman ang NMax ng biktima ngunit natanggal na ang plaka nito.

 

Kasong murder at motornapping ang isinampa laban sa mga suspek. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ramirez maayos na iiwan ang PSC

    SA HUNYO ay magtatapos ang termino ni William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa kanyang apat na Commissioners.     Kaya naman nagpaalam na siya kina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin pati na sa Philippine Olympic Committee (POC), mga sports associations at mga national […]

  • Naalarma dahil sa 3-year old na follower: KIRAY, tinigil na ang pag-post sa TikTok ng sexy dancing videos

    TINIGIL na pala ni Kiray Celis ang pag-post ng mga TikTok videos kunsaan nagse-sexy dance siya.     Sey ni Kiray na gusto raw niyang maging responsableng tao at maging magandang role model sa mga kabataan ngayon, lalo na sa mga follower niya sa TikTok.     “Very careful kasi ako sa mga posts ko […]

  • Higit 33K active COVID-19 cases wala sa ospital – DOH

    Hindi matatagpuan sa ospital ang 33,786 active cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), batay sa datos mula sa Department of Health (DOH) na ipinakita.   Katumbas nito ang nasa 93% active cases.   Base sa DOH Data Drop, 31,090 o 92 percent ng aktibong kaso ay mild; 2,551 ang asymptomatic; at 2,184 ang naka-confine sa […]