• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA

HINARANG  ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at na-recruit para magtrabaho doon bilang mga domestic helper.

 

 

“Ang mga sindikatong ito ng trafficking ay nagpapatuloy sa kanilang mga karumal-dumal na aktibidad ngunit hindi namin luluwagan ang aming pagbabantay sa pagpigil sa kanilang mga biktima na umalis at maligtas mula sa kasamaan ng human trafficking,” anito.

 

 

Ayon kay Elsie ­Lucero, BI-NAIA T3 Terminal head,  naharang ang tatlong pasahero noong Marso 10 at 12 sa nasabing paliparan. Ang tatlo ay inilipat sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang mga recruiter. (Gene Adsuara)

Other News
  • Kaabang-abang ang pagbabalik sa serye: RICHARD, sobrang na-miss ang kulitan nila ng mga co-stars

    MATATAPOS na ang ating paghihintay dahil sa wakas ay muling mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Richard Yap.     Ang Chinito actor ang gumaganap sa karakter ni Doc RJ sa serye na siyang tunay na ama ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak din ni Lyneth […]

  • HIGH RANKING OFFICIALS, EXEMPTED SA GUN BAN

    SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, na ilang mataas na opisyal ng gobyerno ay exempted sa umiiral na gun ban.     Sinabi ni Comelec Chair Saidamen Pangarungan na maging ang kanilang mga security personnel ay papayagang magdala ng baril sa panahon ng gun ban  na nagsimula noong Enero 9 at magtatapos sa […]

  • Paano gagawin ng libreng cards sa cashless fare daw?

    HINDI katanggap tanggap kay DOTr Sec. Art Tugade na mamigay ng 125,000 cards lang ang Beep sa mga pasahero. At sangayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dito.   Ang magiging problema lang ay ang pamamahagi ng cards. Kung mag prioritize sila ng mga indigent, unemployed o minimum-wage earners baka kailangan pang mag […]