3 COVID-19 vaccines na ang may aplikasyon para sa clinical trial sa Pilipinas: DOST
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
TATLONG bakuna laban sa COVID-19 ang nangunguna ngayon aplikasyon para makapagsagawa ng clinical trial sa Pilipinas.
Ang gawa ng Gamaleya Research Institute na Sputnik V mula Russia, at mga gawa ng kompanyang Sinovac mula China at Janssen Pharmaceutica sa Belgium.
“Nag-submit na pero kumpleto ang documents nila. So tatlo so far ang already in the process of application sa ating FDA (Food and Drug Administration,” ani Dr. Jaime Montoya, ang executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).
Hindi pa tiyak kung kasali ang bakuna ng tatlong institusyon sa isasagawang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO), dahil hindi pa naglalabas ng listahan ang international body.
Nitong Linggo sinabi ng WHO na posibleng bago matapos ang 2020 ay may available nang bakuna ng COVID-19.
Pero ayon kay Dr. Montoya, naka-depende sa resulta ng mga isinasagawang clinical trial sa buong mundo ang availability ng bakuna sa publiko.
Ilang bansa na rin kasi ang nauna nang magsagawa ng huling antas ng clinical trial, at kung matatapos sila bago magsara ang 2020, sa unang quarter ng 2021 pa magiging available ang kanilang mga datos.
“Kailangan matapos muna ang Phase 3 clinical trials. Kapag natapos ito, ia-approve ng kanilang FDA sa kanilang bansa, at only kapag na-approve ng kani-kanilang FDA, pwede sila mag-submit sa ilang mga FDA na outside ng kanilang bansa, kabilang na ang Pilipinas.”
Sa resulta rin ng isinagawang trials naka-depende ang mga bakunang mapipili sa inisyatibong COVAX Facility. Sumali rito ang Pilipinas, at pangako ng pasilidad ang patas na distribusyon ng bakuna sa bawat sumaling estado.
Ayon sa Western Pacific regional office ng WHO, posible na sa huling bahagi pa ng 2021 magiging available ang unang dalawang bilyong dose ng mga bakuna sa COVAX Facility.
“Generally, when we are go- ing to look into the target of COVAX, its by the end of 2021 that they are trying to come up with the first two billion doses that will be allocated to all countries who will be participating,” ani Dr. Socorro Escalante.
Sa ngayon, pinag-iingat pa rin ng WHO ang publiko habang naghihintay ang buong mundo sa ligtas at epektibong bakuna. (Ara Romero)
-
‘The Flash’, Meets The ‘Justice Society of America’ After His Accidental Time Travel
AFTER streaming Zack Snyder’s Justice League on HBO Go, fans are now rooting for more DC films. As we await their upcoming live-action films in a few months, we can also look forward to the new animated film Justice Society: World War II. A new clip was released for the film, and it features […]
-
Ilang fans bumilib sa pagpapakitang gilas sa boxing ni Jemuel Pacquiao
Umani nang positibong reaksyon mula sa ilang boxing fans ang pagpapakitang gilas sa ensayo sa boxing ng panganay na anak ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao na si Jimuel. Nag-post kasi sa social media ang 19-anyos na si Jimuel ng video ng kaniyang boxing training. Sinabi nito na marami siyang natutunan sa kaniyang […]
-
Hindi nagbago ang Gilas 12, reserba pa rin si Thirdy laban sa Saudi Arabia
Walang ginawang pagbabago sa roster ang GILAS Pilipinas para sa laro laban sa Saudi Arabia noong Lunes sa 2023 Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers. Bago ang malaking 74-66 tagumpay laban sa Jordan noong Biyernes, mangunguna ang Pilipinas kay PBA MVP Scottie Thompson, Dwight Ramos, at Kai Sotto. Tingnan si Scottie na tuwang-tuwa […]