3 drug suspects huli sa baril at shabu
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makuhanan ng baril at halos sa P.2 milyon halaga ng shabu sa loob ng isang sasakyan sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang mga naarestong suspek na si Edwin Ramos, 37, driver ng San Nicolas 1st Lubas, Pampanga, Mary Jane Susi, 44, fish dealer ng Kataning Hermosa, Bataan at Karen Araniego, 40 Mangan-Baka, Subic, Zambales.
Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Malabon Police SS-4 sa pangunguna ni PSSg Raymond Siatrez sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Rommel Adrias sa pamumuno ni Col. Rejano dakong 8:50 ng umaga nang makatanggap sila ng text message mula sa TOC hinggil sa umano’y nagaganap na ilegal drug activity sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa harap ng Multi-Purpose Hall sa Sanciangco St., Brgy. Catmon.
Kaagad rumesponde sa naturang lugar ang mga pulis at nang lapitan nila ang naturang sasakyan ay nakita nila si Ramos na may nakasukbit na baril sa kanyang bewang kaya’t agad nila itong inaresto, kasama ang dalawang babae.
Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang umaabot sa 22.45 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P152,660.00 ang halaga, ilang drug paraphernalias, P100,000.00 cash, digital weighing scale, 3 cellphones, isang cal. 9mm pistol na may isang magazine na kargado 11 bala at isang Toyota Wigo na may plakang (CDI 5383).
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Law on Firearm and Ammunition. (Richard Mesa)
-
Wizards player nagpositibo rin sa COVID
Isa pang player ng Washington Wizards ang nagpositibo rin sa COVID-19. Ito ang kinumpirma ng koponan sa harap na rin ng pagsisimula sana ng pre-season workouts ngayong araw. Aminado si Wizards coach Scott Brooks na na-delay tuloy ang pagsisimula nila ng individual player workouts. Sa sunod na Biyernes kasi ang simula naman […]
-
Folayang, talo na naman hindi umubra sa Chinese fighter
Nabigo si Eduard “Landslide” Folayang sa kamay ng Chinese fighter na si Zhang “The Warrior” Lipeng sa pamamagitan ng unanimous decision sa ONE: BattleGround II na ginanap sa Singapore. Sa unang round pa lamang ay umarangkada ang Chinese fighter kung saan na-trap pa nito si Folayang sa pamamagitan ng leg scissor bukod pa […]
-
Guy Ritchie’s Next Movie With Henry Cavill and Jake Gyllenhaal Officially Has a Release Date
AT the Lionsgate panel at CinemaCon, we finally learned when director Guy Ritchie’s next feature will hit the big screen. Announced last year out of Cannes, the then-untitled In the Grey was announced as the action comedy veteran’s next big project with a handful of regular collaborators reuniting with him for the occasion, including The […]