3 drug suspects kalaboso sa P448K shabu sa Caloocan
- Published on April 1, 2022
- by @peoplesbalita
SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong mga suspek na sina Charlie Cortez alyas “Charles”, 31, June Christian Rivera, 27 at Glenn Batucan, 35, pawang ng Brgy., 168, ng lungsod.
Ayon kay Col. Mina, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Operations “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 7 sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Anthony Co sa Brgy., 167 nang isang concerned citizen ang lumapit at sinabi sa kanila ang hinggil sa pagbebenta umano ng illegal na droga ng isang alyas Charles sa kahabaan ng Bernardo Ave., Silanganan Subdivision, Brgy., 167.
Agad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar kung saan nakita nila si alyas Charles na may iniabot umanong hinihinalang shabu sa dalawang suspek na naging dahilan upang arestuhin silang tatlo bandang alas-12:10 ng madaling araw.
Narekober sa mga suspek ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit kumulang 66 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P448,800.00.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
PhilHealth kinalampag sa utang sa private hospitals
Kinalampag ng Palasyo at Senado ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bilisan ang pagbabayad sa lumalaking utang sa mga pribadong ospital. Hinikayat ni Presidential spokesman Harry Roque si PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran na sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran na ang obligasyon sa mga pribadong […]
-
Pastor Apollo Quiboloy nasa wanted list na ng FBI
NASA wanted list na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy at dalawang miyembro ng simbahan. Sa inilabas na wanted poster ng FBI, makikita ang larawan ni Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag. Nahaharap kasi sa kaso si Quiboloy […]
-
Mahigit P8-B na proyekto ng Manila Water, inaasahang matatapos sa Hunyo
INANUNSYO ng East Zone concessionaire na Manila Water na ang pagtatayo ng P8.2-billion nitong Calawis Water Supply System project sa Antipolo City, Rizal ay nakatakdang matapos sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon. Sinabi ng Manila Water na ang tubig para sa bagong pasilidad ay nagmumula sa Tayabasan River, na matatagpuan sa Brgy. […]