3 drug suspects kulong sa P160K shabu sa Malabon
- Published on October 18, 2024
- by @peoplesbalita
KULONG ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P160K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Obet, 45, alyas Bosho, 36, at alyas Bok, 50, pawang residente ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-11:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Camus Street, Brgy. Ibaba.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 23.7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P161, 160.00 at buy bust money.
Ayon kay Co. Baybayan, bago ang pagkakadakip sa mga suspek ay unang nakatanggap ng impormsyon ang SDEU hinggil sa kanila umanong ilegal drug activities kaya isinailalim sila sa validation.
Matapos magpositibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Baybayan at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong nagpapakalat sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19
Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno. Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila. Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force […]
-
Molecular lab sa Maynila pinasinayaan ni Isko
PINASIMAYAAN kahapon sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno “Domagoso ang panibagong RT-PCR (real time-polymerase chain reaction) molecular laboratory na kayang mag swab test ng libre hanggang sa 1,000 katao. Kasama ni Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna, Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, Ayala Corporation chief executive officer Fernando Zobel de […]
-
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian explains the key points on agency’s welfare and development programs
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian explains the key points on agency’s welfare and development programs which were highlighted in the 3rd State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand R. Marcos Jr, during the Post-SONA Discussions in Pasay City on Tuesday (July 23). Secretary Gatchalian joined other Cabinet secretaries […]