• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19

Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila.

 

 

Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabakunahan ang mga alkalde na nasa high risk areas na humaharap sa paglaban sa pandemya sa kanilang mga hurisdiksiyon.

 

 

Hindi naman aniya ‘Superman’  ang tulad niyang mayor na ‘di tamaan ng COVID-19 sa pang-araw-araw na trabaho. Ilang alkalde na rin anya ang napaulat na nagkaka-COVID at ang iba ay namatay.

 

 

“I made a commitment to the people of Manila that I would get the Sinovac vaccine. A lot of Filipinos have doubts about Sinovac, so as a matter of commitment, I got vaccinated with it,” ani Moreno.

 

 

“May nagsasabi noon na, ‘Pabakuna ka nang pabakuna sa amin, pero ikaw hindi pa nagpapabakuna.’ I had to wait because the rules had to be followed. Heto ngayon nabakunahan na ako,” wika niya.

 

 

Pinaalala ni Moreno sa mga nabakunahan na patuloy pa ring sundin ang health protocols dahil walang garantiya na hindi na mahahawaan pa ang may bakuna na.

 

 

Sa kasalukuyan, nakapagbakuna na ang lungsod ng 41,692 na A1, A2 at A3 categories na kinabibilangan ng medical at health frontliners, senior citizens na may comorbidities at mga may edad na nasa 18-59 na may comorbidities. (Gene Adsuara)

Other News
  • Speaker Romualdez kumpiyansa sa kakayahan ni Sec. Jonvic Remulla na pamunuan ang DILG

    Ikinagalak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkakatalaga kay Cavite Governor Jonvic Remulla bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).     Ipinahayag din ni Speaker Romualdez ang kanyang buong tiwala sa mga kwalipikasyon ng gobernador at sa malawak na karanasan nito sa lokal na pamahalaan na pamunuan ang DILG. […]

  • AYALA MALLS CINEMAS BRINGS JAPANESE MEDICAL ACTION-DRAMA “TOKYO MER: MOBILE EMERGENCY ROOM” INTO THEIR EXCITING AND RARE EXCLUSIVES

    AN intense medical action-drama comes to life on the big screen exclusive at Ayala Malls Cinemas in Tokyo MER: Mobile Emergency Room, a Japanese film based on the award-winning television series of the same title.       In the film, a life-saving medical team is deployed when an explosion occurred at the Landmark Tower […]

  • Rigodon sa Kamara: Kumalaban kay Cayetano, hinubaran ng chairmanships

    KASUNOD ng ugong ng kudeta sa House Leadership, nagpatupad ng rigodon kahapon sa House Committee Chairmanship kung saan tinanggalan ng pwesto ang ilang mambabatas na hindi kaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaring nasa likod ng ouster plot.   Sa pagsisimula ng House Plenary Session kahapon (Lunes) ay agad na nagmosyon si Senior […]