3 kalaboso sa P1.5 milyon shabu sa Caloocan
- Published on November 4, 2021
- by @peoplesbalita
KULONG ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Filiciano, 43, Regie Rivera, 35, messenger, kapwa ng Sampalok, Manila, at Jeric Sy, 52 ng 5th Avenue Brgy. 53 ng lungsod.
Base sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., dakong alas-12:05 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Taksay St., Brgy. 28 ang mga tauhan ng Tuna Police Sub-Station (SS1) sa pangunguna ni PMAJ Jerry Garces nang parahin nila ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo dahil walang suot na mga helmet.
Gayunman, hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at tinangkang tumakas ng mga ito na naging dahilan upang habulin sila ng mga parak hanggang sa bumangga sa nakaparadang truck si Sy habang naaresto naman ang dalawa niyang kasama.
Nang kapkapan, nakuha ni PCpl Joeph Young kay Sy ang isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000 habang narekober naman ni PCpl Christian Malinao kay Rivera ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000.
Nasamsam naman ni PSSg Ernesto Camacho kay Filiciano ang isang knot tied plastic sachet na naglalaman ng nasa 100 grams ng shabu na may standard drug price P680,000 at isang weighing scale.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC, RA 10054 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002. (Richard Mesa)
-
Diringgin na ang reklamo ng Paradigm laban kay Manny Pacquiao
NAKATAKDANG dumaan sa paglilitis ang kasong kinasasangkutan ni Filipino boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao na isinampa ng Paradigm Sports Management ni founder at CEO Audie Attar sa darating na Marso 3 sa California sa Amerika. Ayon sa inilabas na statement ni Attar mula sa inilathala ng badlefthook.com ni Scott Christ, nalalapit na umano ang […]
-
4 drug suspects timbog sa P210K shabu sa Valenzuela
APAT na hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Valenzuela city. Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]
-
Task Force rerepasuhin ang transport distancing
Bukas ang pamahalaan sa isang dialogue tungkol sa kanilang desisyon na bawasan ang physical distancing requirement sa mga public transportation na kung saan sinabi ng mga medical health experts na maaaring maging sanhi ng pagdami ng coronavirus infections. Dahil sa kagustuhan muling buksan ang ekonomiya sa pamamagitan ng maraming available modes ng public transportation, […]