• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 koponan ng PSL papahinga sa 2021

SINIWALAT na ng Philippine SuperLiga (PSL) ang mga programa para sa taong 2021, pero magpapahinga muna ang tatlong koponan ng semi-professional women’s volleyball league.

 

Hindi na muna maglalaro ng isang taon sa liga ang Petron Blaze Spikers, Generika-Ayala Lifesavers at Marinerang Pilipina Lady Skippers dahil sa rason nilang may pandemya pa ng Covid-19.

 

Pero may isang koponan sa karibal na liga (ang nag-pro nang Preimer  Volleyball League) ang magiging kapalit ng tatlo bilang team muna sa PSL, ang PetroGazz Angels.

 

Ang mga hinanay na palaro nina PSL chairman Philip Ella Juico at president Adrian Laurel ay ang ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Pebrero 25-27, Fans Day sa Marso 7, All-Filipino Conference sa Mar. 13 at PSL Collegiate Grand Slam sa Hulyo 10-Agosto 14.

 

Hiwalay pa ayon sa dalawang opisyal rito ang pagbahagi ng liga sa mga lalahukan ng bansa na torneo sa abroad kagaya ng 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam at iba pa.

 

Ang mga koponan pang kasapi sa PSL ay ang F2 Logistics Cargo Movers, Cignal HD Spikers, Chery Tiggo Crossovers, Sta. Lucia Lady Realtors at PLDT Fibr. (REC)

Other News
  • MRT 3 pinabilis ng hanggang 50 kph

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinabilis na ang andar ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) hangganag 50 kilometer per hour na siyang kauna-unahang pangkakataon sa loob ng anim (6) na taon.   “The increase has reduced the time between trains to four to five minutes for 20 trains at 50 kph, from […]

  • DOTr: Isusulong na dagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon

    Tinutulak ng Department of Transportation (DOTr) na madagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon mula sa kasalukuyang 50 percent upang mabawasan ang hirap ng nararanasan ng mga pasahero sa pagsakay.     Balak ng DOTr na utay-utay na palawakin ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon tulad ng Public Utility Jeepneys (PUJs) at […]

  • Speaker Romualdez ipinapanukala ang PH-US-India partnership sa pagtatayo ng digital public infrastructures

    IPINANUKALA ni House Speaker Martin Romualdez ang posibleng partnership ng Pilipinas, United States (US), at India sa pagtatayo ng digital public infrastructure sa bansa.     Ginawa ni Romualdez ang kanyang panukala matapos dumalo sa Digital Public Infrastructure lecture nuong Sabado (Philippine time) na ginanap sa International Monetary Fund (IMF) headquarters sa Washington D.C. kung […]