• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 KOREAN NATIONAL NA SINDIKATO NG ONLINE, NAARESTO NG BI

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na puganteng most wanted at binansagang mga leader ng sindikato na nag-ooperate sa online at nambiktima ng marami nilang kababayan.

 

 

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Jung Myunghun, 38, umano’y Top Leader ng sindikato; Yu Daewoong, 38, at Kang Wesung, 36, na kabilang din sa mga Leader ng sindikato na naaresto sa isinagawang operasyon ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group Major Crimes Investigation Unit (CIDG-MCIU) sa Paranaque at Pantabangan, Nueva Ecija.

 

 

Itinuring ni Morente ang tatlo na hiogh profile na mga pugante na matagal ng pinghahanap ng mga awtoridad sa Korea at ng Interpol.

 

 

Sinabi ni BI FSU Chief Bobby Raquepo na humingi ng tulong ang mga awtoridad ng Korea sa BI para mahanap at maaresto ang tatlo.

 

 

Base sa record, simula July 2014, pinasok ng mga suspek ang online scam sa pamagitan ng paga-upload at pag-advertise ng mga second hand na mga produkto at humikayat ng kanilang mga nagging biktima, gayunman, wala naman ang nasabing mga produkto na umabot sa 10 billion won, o US$9 million ang nakuha nila sa kanilang mga biktima.

 

 

“They will be deported to face the cases against them in Korea, and their names shall likewise remain in our blacklist, which effectively bans their re-entry in the country,” ayon sa BI Chief. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ginawan ng isyu ang pagbabalik-‘Pinas: KRIS, imposibleng papasukin ang pulitika dahil sa kalagayan

    MAY gumawa na naman ng isyu kaugnay sa pagbabalik ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa Pilipinas.   Ang sabi kaya raw umuwi ng Pilipinas si Kris ay may kaugnayan daw sa nalalapit na 2025 midterm elections.   Sa talk show na “Showbiz Now Na” ay may binanggit si Nay Cristy Fermin […]

  • 28 jeepney routes muling binuksan

    MAY mahigit na 1,100 public utility jeepney (PUJs) ang babalik sa kalsada upang pumasada at magkaron ng operasyon ngayon panahon ng pandemya ng mabigyan ng pagkakataon ang mga pasahero ng mas madaming masasakyan.   Sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 20-046, may kabuohang 1,159 na traditional jeepneys na may […]

  • Higit P100K droga, nasabat sa 4 na tulak sa Navotas

    BAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.       Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief […]