3 laro ang magbubukas sa PBA Philippine Cup
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
TATLONG sultada ang magtataas ng kurtina sa 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Biyernes Hulyo 16.
Sinapubliko ng professional hoop league Huwebes ang skedyul makaraang walang magpositibo sa Covid-19 base sa RT-PCR tests ng 10 team at mga tauhan ng liga na ginawa noong Martes.
Alas-11:00 nang umaga ang pambungad na seremonya na pangungunahan nina Commissioner Wilfrido Marcial at chairman Victorico Vargas ng Talk ‘N Text.
Binyagan agad sa alas-12:30 nang tanghali ang Alaska Milk at Blackwater, sa alas-3:00 nang hapon ang Rain or Shine at North Luzon Expressway, at sa alas-6:00 nang gabi ang Manila Electric Company at NorthPort.
Tututukan sa Aces si veteran Jeron Teng at ang mga bagitong sina Ben Adamos at Taylor Browne, habang sa Bossing sina rookie Rey Mark Acuno, Joshua Torralba at Andre Paras.
Sina Kiefer Isaac Ravena, Kevin Louie Alas at rookie Calvin Oftana ang mamumuno sa Road Warriors sa Elasto Painter na gigiyahan nina Beau Belga, Gabe Norwood, Javee Mocon, James Yap at Rey Nambatac, at bagong saltang si Santi Santillan.
Mangunguryente naman sa Bolts sina Aaron Black at Chris Newsome, newbie Alvin Pasaol at sa Batang Pier si Gregory William Slaughter.(REC)
-
Go, may buwelta naman kay Gordon
Nagmistulang domino effect na ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador. Dahil matapos ang mga panibagong banat ng presidente, bumuwelta naman agad si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon. Bagama’t hindi raw siya natitinag sa personal na mga atake, hindi raw naman niya mapigilang hindi sumagot para […]
-
Employment rate sa Pinas, tumaas ng 96% noong Agosto
TUMAAS ng 98% ang employment rate sa Pilipinas noong Agosto ngayong taon. Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na nakapagtala ito ng 95.6% sa kaparehong buwan ng nakaraang taon. Sinabi ni Mapa na ang resulta ng pinakabagong labor force survey ay nagpapakita na ang employment rate noong Agosto ay mas mataas kaysa sa […]
-
Ensayo ng PBA tuloy na sa pagbabalik sa GCQ level sa NCR
Wala ng makakapigil pa sa mga koponan sa PBA na magpatuloy ng kanilang ensayo sa susunod na linggo. Kasunod ito sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ). Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na sa darating na Agosto 25 ay posibleng maisagawa na ang mga ensayo. Mahigpit din nilang […]