• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 LRT 2 stations binuksan

Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019.

 

Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers.

 

Ang sunog ay nagsimula ng ang transpormer na nakalagay sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations ay pumutok at sumabog at dahil ang mga transpormers ay “work in series,” ang transpormer sa Santolan depot ay nasunog din.

 

Natagalan ang ginawang repairs sapagkat ang mga parts ay kinaha pa sa France, United Kingdom, at Japan. Ang mga parts ay hindi mga off-the-shelf-items dahil kinakailangan pa itong customized sa systems ng LRT 2.

 

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, naglaan sila ng P430 million upang palitan at ma restore ang LRT 2 sa kanyang full operation capacity. Kasama na rito ang importations, installations at commissioning.

 

Ibinalita nama ng Department of Transportation (DOTr) na ang LRT 2’s East Extension project na Marikina at Antipolo ay magiging operational sa darating na April 26.

 

Ang project proponents sa LRT Line 2 Extension ay ang D.M. Consunji Inc. at ang Marubeni Corp. at ang kanilang aid parter ay ang Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

Ang LRT 2 na magkakaron ng karagdagan dalawang (2) stations ay makakatulong upang mabawasan ang travel time mula Recto Avenue sa Manila papuntang Masinag sa Antipolo at ito ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong (3) oras na pagbibiyahe.

 

Kung mabubuksan ang Marikina at Antipolo stations, ito ay makapagsasakay ng  ng karagdagang humigit kumulang  na 80,000 na pasehero mula sa ngayon na 240,000 na pasahero kada araw. (LASACMAR)

Other News
  • Vaccination sa PNP hindi mandatory – PNP Chief

    Hindi mandatory at hindi sapilitan ang pagbabakuna sa Philippine National Police (PNP).   Ito ang paglilinaw ni PNP Chief Gen. Guillermo Elezar ngayong nagsimula na ang vaccination sa A4 category.     Sinabi ni PNP Chief kanilang uunahin ang mga pulis na nagpahayag ng kagustuhan na magpabakuna.     Pero batay sa kanilang survey nasa […]

  • Lahat ng natutunan kina Vilma at Edu: LUIS, napakinabangan at naipapasa kay Baby PEANUT

    LAHAT ng natutunan ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano sa mga magulang niyang sina Vilma Santos at Edu Manzano ay napakinabangan na niya ngayon para sa anak na si Peanut.   Kumbaga yung mga natutunan niya sa mga magulang at na-experience niya mula sa mga ito ay nai-apply niya ngayon sa pangangay na […]

  • Estudyante, 6 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan at Valenzuela

    Timbog ang pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela at Caloocan cities.     Dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro […]