3 most wanted persons, nabitag sa Caloocan
- Published on August 4, 2023
- by @peoplesbalita
TATLONG most wanted persons, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera, katuwang 3rd MFC, RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation kontra wanted persons.
Nadakip sa naturang operation si Elvie Cruz, 49, dakong alas-5:20 ng hapon sa kanilang lugar sa Waling-waling St., Area C, Barangay 174, Camarin, na may warrant of arrest na inisyu ni Hon. Manuel I.R.A. Barrios, Presiding Judge, RTC Branch 126, Caloocan City noong July 27, 2023, para sa Attempted Murder.
Nauna rito, nasakote din ng mga operatiba ng WSS, sa tulong ng 4th MFC RMFB-NCRPO sa joint manhunt operation, dakong alas-3:00 ng hapon sa Libis Espina St., Barangay 16, ang magkapitbahay na sina John Paul Pagulayan, 21 at Billie Alfaro, 29, kapwa ng Libis Espina St., Brgy. 16.
Ani Maj. Rivera, ang magkapitbahay na akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Barbara Aleli Hernandez Briones, Presiding Judge, FC Branch 1, Caloocan City noong July 26, 2023, para sa kasong Frustrated Murder.
Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa IDMS-WSS ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Pinapurihan naman ni BGen Gapas ang Caloocan police sa pamumuni ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap at walang humpay na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa mga akusado. (Richard Mesa)
-
UAAP crown nabawi ng UP
NAIBALIK ng University of the Philippines ang korona sa kanilang bakuran matapos patalsikin sa trono ang De La Salle University, 66-62 sa do-or-die Game 3 ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi. Nagsanib puwersa sina graduating student JD Cagulangan, Francis Lopez at Quentin Millora-Brown upang akbayan […]
-
Veteran Bata Reyes, mga pambato ng billiards ng PH patuloy ang pamamayagpag sa SEAG
TIYAK na ang bronze medal sa 31st Southeast Asian Games ni veteran cue artist Efren “Bata” Reyes Ito ay matapos na magwagi siya laban kay Suriya Suanasing ng Thailand 65-58 sa carom tournament. Sa unang bahagi ng laro ay humahabol pa ang Filipino billiard legend hanggang sa makuha niya ang kalamangan. […]
-
PBBM, pinuri ang METROBANK OUTSTANDING “BAGONG FILIPINOS”
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ngayong taon, pinagkapurihan niya ang mga ito dahil sa pagpapakita ng kung ano talaga ang ibig sabihin ng “Bagong Pilipino.” “You are the new faces of public service—dedicated, selfless, and committed to excellence—the living examples of what it truly means to be […]