3 naaktuhan nagtatarya ng shabu sa loob ng jeep sa Valenzuela
- Published on June 26, 2021
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagtatarya umano ng shabu sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.
Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:20 ng hapon, nagsasagawa ang personnel ng Station Intelligence Section sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Marissa Arellano ng monitoring hinggil sa isang found dead body na natagpuan sa bakanteng lote sa Mac Arthur Highway, Brgy. Malanday.
Dito, isang concerned citizen ang lumapit kay PSMS Santillan at ipinaalam sa kanya ang hinggil sa nagaganap umanong pot session sa loob ng isang nakaparadang pampasaerong jeep sa Budget Oil Gasoline Station, Parking Lot, Brgy. Malanday.
Kaagad nirespondehan ni PSMS Santillan, kasama ang mga barangay tanod ng Malanday na sina Rolando Dalagan, Joselito Bitara at Francisco Chuidian ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gilbert Labuzon, 49, jeepney driver, Jayvie Dela Cruz, 29, at Rogelio Galvez, 63 matapos maaktuhang nagtatarya umano ng shabu sa loob ng jeep.
Nakumpiska sa mga suspek ang 15 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200.00, driver’s lincense, 3 coin purse, BIR ID, P400 cash, gunting, disposable lighter, cellphone at ang PUJ na may plakang TWS-997. (Richard Mesa)
-
LTO nag – iisue na ng 10-year driver’s license
Ang Land Transportation Office (LTO) ay nagisimula ng magbigay ng 10-year driver’s license noong nakaraang November 3 sa kanilang lahat ng sangay sa National Capital Region (NCR). Ang lahat ng mga motorista na magpapaso ang driver’s license at magrerenew at kung wala naman silang traffic violation na nagawa ay kualipikado na kumula […]
-
Rizal Memorial pansamantlang isasara dahil sa isasagawang decontamination
Pansamantalang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex ngayong sa loob ng isang araw para sa isasagawang decontamination. Sa isang panayam, sinabi ni ‘Hatid Tulong” initiative head Asec. Joseph Encabo, isasailalim sa lockdown simula alas-9:00 ng umaga ngayong Hulyo 30, 2020 ang buong complex. Ito ay matapos na mamalagi doon sa mga nakalipas na […]
-
Kamara tutulong sa giyera ni PBBM laban sa smuggling, hoarding ng agri products
TUTULONG ang Kamara sa giyera ni Pangulong Marcos laban sa smuggling at hoarding ng bigas at iba pang produktong agrikultural. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos. “We share the President’s anger and frustration with smuggling, […]