• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela

Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activity ni Jestonie Buracan, 19, at Aldrin Jeff Sanfelipe, 22 at matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma nila na totoo at maaasahan ang ulat.

 

 

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PMAJ Vilmer Miralles ng buy bust operation sa Santa Rita St., Brgy. 188, Tala dakong 1:25 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Jorlan DS Declaro na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000. 00 ang halaga, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 fake/boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, sinunggaban nina PSSg Gabby Migano at PSSg Samson Mansibang si Antonio Fajardo Jr., alyas “Kulet”, 38, matapos bentahan ang isa sa kanila na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa Lord’s Candle St., Brgy. Paso De Blas dakong 9:15 ng gabi.

 

 

Ani SDEU PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200 ang halaga, buy bust money, P300 cash, cellphone, pouch at Yamaha Mio motorcycle. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagpunta sa indoor religious gatherings, nagsisiksikang mall at tiangge…mga high risk activities ngayong holiday season – Malakanyang

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang  ang  publiko  ukol  sa inihahandang contingency plan ng Department of Health ngayong holiday season.   Sinabi ni  Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabuti nang maging maagap lalo’t ang  panahon ng Kapaskuhan ay  isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya at mahal […]

  • Sa ilalim ng programang “NO WOMAN LEFT BEHIND” ng QC LGU, 19 na babaeng PDL naka-graduate at may degree na

    NAKAKUHA ng degree sa Bachelor of Science in Entrepreneurship ang labing siyam na babaeng PDL o Person Deprived of Liberty sa ilalim ng programang “No Woman Left Behind” ng Quezon City Government.     Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nakatataba ng puso na makitang mayroon ng college degree ang mga PDL at patunay […]

  • Simula ngayong Nobyembre: DepEd, pinayagan ang 52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning

    PINAYAGAN ng Department of Education  (DepEd) ang naging kahilingan ng  52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning methods sa kabila ng naging kautusan ng departamento na pagpapatuloy ng face-to-face classes simula ngayong buwan ng Nobyembre.  May ilang eskuwelahan kasi ang tumaas ang bilang ng mga estudyante  habang nagkulang naman ang mga silid-aralan. Hinihintay naman […]