3 sasakyan inararo ng SUV sa Malabon, 2 patay, 2 sugatan
- Published on December 9, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI bababa sa dalawang katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa matapos araruhin ng isang Mitsubishi Xpander wagon ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang tricycle sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Si Nobelia Esto, 54 ng Gulayan St. Brgy. Catmon, pasahero ng tricycle na minamaneho ni Norberto Pinurla, died-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang si Pinurla ay tumilapon sa tulay at bumulusok sa ilog kung saan narekober kalaunan ang kanyang katawan sa Tullahan River sa C-4.
Ang dalawa pang katao na kinilalang sina Shielo Escamillas, 44 ng 89 Gen. Luna St. Brgy. Concepcion, driver ng Ford Lynx at Ericson Lala, 50 ng 18 Paez St. Brgy. Concepcion, pasahero ng Honda City ay napaulat na sugatan at ginagamot sa hindi nabanggit na hospital.
Kinilala naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang driver ng Mitsubishi Xpander (NPD-8114) na umararo sa mga nasabing sasakyan bilang si Kim Russel Sioco y Santos, 26, ng 28 jnterior F. Nicolas St, Niugan, Malabon City.
Sa inisyal na report, habang tinatahak ng tricycle na minamaneho ni Pinurla ang kahabaan ng Lambingan Bridge dakong alas-3:35 ng madaling araw nang masakop umano ang kabilang linya ng mabilis ang takbo na Mitsubishi Xpander na patungong Brgy. Catmon at mabangga nito ang tricycle bago inararo ang dalawa pang sasakyan na Ford Lynx at Honda City.
Ang insidente ay nakuhanan ng close circuit television (CCTV) camera na nakakabit sa naturang lugar. (Richard Mesa)
-
Pabata nang pabata ang kanyang nakaka-partner: CARLO, bata pa lang ay hinangaan na ni EISEL at na-starstruck nang makita
SA mediacon na ginanap sa Kamuning Bakery, litaw na litaw pa rin kaguwapuhan ni Carlo Aquino na bida sa “Love You Long Time” na kung saan makatatambal niya ang baguhang young actress na si Eisel Serrano. Infairness, parang hindi tumatanda ang 37 years old na award-winning actor at celebrity endorser ng Beautederm, kaya […]
-
Antibodies kontra COVID-19 mananatili sa katawan ng tao ng 8-months
Mananatili ang antibodies laban sa coronavirus ng hanggang walong buwan matapos na madapuan ang isang tao ng COVID-19. Ayon sa San Raffaele hospital sa Milan, Italy na hindi ito mawawala anumang edad ng pasyente o ang presensiya ng pathologies. Sa ginawang pag-aaral sa ISS national health institute na mayroong 162 pasyente […]
-
WBN Fighter of the Year trophy nakuha na ni Pacquiao
Natanggap na ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang Fighter of the Year award nito na iginawad ng World Boxing News (WBN). Ibinigay kay Pacquiao ang naturang parangal matapos ang matagumpay na kampanya nito noong nakaraang taon kung saan dalawang impresibong panalo ang kanyang naitala. Nakuha ni Pacquiao ang unanimous decision win kay […]