• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 tulak arestado sa P.7 milyon halaga ng shabu

TIMBOG ang tatlong umano’y notoryus drug pushers matapos makuhanan ng nasa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Paul John Mendoza, 23, Ian Vher Oquendo, 28, kapwa ng Block 9 Pamasawata, Caloocan city at Neil Ryan Atienza, 40 ng 264 M. Sioson St. Brgy. Dampalit, Malabon.

 

Ayon kay Col. Tamayao, matapos ang higit isang linggong surveillance operation sa mga suspek, agad ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Johnny Baltan ang buy-bust operation sa Tanigue at Dalagang Bukid Streets, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo matapos bintahan ni Mendoza ng isang sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium size plastic sachets at dalawang maliit na plastic sachets na naglalaman lahat ng hinihinalang shabu na tinata-yang nasa 103.00 gramo at may corresponding standard drug price na P700,400.00 ang halaga, habang ang buy-bust money ay nakuha kay Mendoza.

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • NAVOTAS TUMANGGAP NG 28 BAGONG SCHOLARS

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022.     Sa 28, 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang mga guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.     “We wish to […]

  • PBBM, hiningi ang kooperasyon ng South Korea sa renewable energy

    HININGI ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang kooperasyon ng Republic of Korea (ROK) sa renewable energy sources.     Sa kanyang naging interbensyon sa   23rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Summit, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang kapwa lider na bahagi ng  paglunas sa kapaligiran  “is lessening the dependence on fossil […]

  • LINDSAY, nagsalita na rin at fake news na ‘nabuntis’ ni DINGDONG

    NAGSALITA na rin ang Kapuso actress na si Lindsay de Vera tungkol sa kumalat na buntis issue at ang nakabuntis daw sa kanya ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.     Nagsalita ang 21-year old na aktres sa online talkshow ni Jobert Sucaldito noong January 25.     Sey ni Lindsay: “I […]