• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 tulak timbog sa P1.3 milyon shabu sa Caloocan

KALABOSO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang dalaga matapos makunanan ng higit P1.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Linggo ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Esmeralda Pangyarihan alyas “Kikay”, 28, Rakim Batua, 18 at Mohammad Umpa, 20, kapwa ng Quiapo, Manila.

 

 

Ayon kay Col  Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police ng impormasyon mula sa isang regular confidential imformant (RCI) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas Kikay kaya isinailalim siya sa isang linggong validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Gilmar Marinas, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy bust operation dakong alas-5:30 ng hapon sa bahay ni Pangyarihan sa No. 183, General Concepcion Street, Brgy. 132, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at dalawa niyang kasabwat.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang apat knot-tied plastic bags na naglalaman ng umaabot sa 202 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P1, 373, 600.00, at buy bust money na isang tunay na P1,000 at 79 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang Caloocan Police SDEU sa pamumumo ni Col .Mina dahil sa matagumpay na drug operation para mabawasan ang paglaganap ng ilegal na droga area ng NPD at ang epekto nito.

 

 

Ani PMSg Rico Mar William Bonifacio, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangeous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • JOHN LLOYD, inamin wala sa plano at ‘di pa handa nang dumating si ELIAS MODESTO

    ANG multi-awarded, box-office actor na si John Lloyd Cruz ang naging special guest ni Karen Davila sa kanyang kauna-unahang podcast.     Diretsahan tinanong si John Lloyd, ano ang ikina-pagod niya?     “I guess I got tired of fighting for the content that I want to see like on more commercial platforms.     […]

  • Tropang Giga paghahandaan ang makakalaban sa Finals

    MAGKAIBA ang estilo ng San Miguel at Meralco na inaasahang magpapasakit ng ulo ng nagdedepensang TNT Tropang Giga pagdating sa best-of-seven championship series ng 2022 PBA Philippine Cup.     Isa sa Beermen at Bolts ang lalabanan ng Tropang Giga para sa korona.     “We all know the problem San Miguel presents with June […]

  • Mabuti na lang na tinanggap niya ang role: DAVID, ‘di in-expect na mababago ang buhay dahil sa pagganap bilang ‘Fidel’

    INIHAYAG ni David Licauco na nabago ang kanyang buhay dahil sa pagganap bilang si Fidel, ang matalik na kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa hit portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”   Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa “24 Oras” nitong Miyerkoles, sinabing nagbigay ng ibayong sigla sa career ni David bilang […]