• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30% dagdag sa sahod ng mga papasok sa trabaho sa May 9 – DOLE

MAKAKATANGGAP ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho sa araw ng halalan.

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nag­dedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) Holiday.

 

 

“We highly encourage our workers who are re­gistered voters to exercise their rights to suffrage, and if they will report to work on May 9 after casting their votes, they must receive an additional 30 percent in their daily pay,” ayon kay Bello.

 

 

Makakatanggap ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho ngayong araw ng halalan.

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nag­dedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) Holiday.

 

 

“We highly encourage our workers who are re­gistered voters to exercise their rights to suffrage, and if they will report to work on May 9 after casting their votes, they must receive an additional 30 percent in their daily pay,” ayon kay Bello.

 

 

Sa ilalim ng Chapter III, Article 94 ng Labor Code, kung hindi papasok ang isang empleyado, ia-aplay sa kaniya ang prinsipyo ng ‘no work, no pay’ maliban na lang kung may espes­yal na polisiya ang kum­panya tulad ng nakapaloob sa ‘collective bargaining agreement (CBA)’.

 

 

Para sa mga pumasok sa trabaho, babayaran sila ng dagdag na 30 por­syento ng kanilang ‘basic pay’ sa unang walong oras [(basic wage x 130%) + COLA].

 

 

Para naman sa mga lalagpas ng walong oras o mag-o-overtime, babayaran sila ng dagdag pa na 30 porsyento ng ‘hourly rate.

 

 

Sa mga magtatrabaho naman na babagsak sa kanilang ‘day off’, babayaran sila ng dagdag na 50% ng kanilang basic pay.

Other News
  • Hidilyn natuto na ng leksyon sa paghawak ng cash incentives

    Inamin ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na hindi niya nahawakan nang tama ang mga natanggap na cash incentives matapos buhatin ang silver medal noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.     Halos P10 milyon ang natanggap na insentibo ni Diaz matapos kunin ang silver medal noong 2016 Olympics.     Sa […]

  • VaxCertPH puwedeng magamit sa 39 bansa

    KINIKILALA ng 39 bansa ang vaccination certificate ng Pilipinas, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).     Ipinaliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na naglabas ang gobyerno ng bagong bersiyon ng vaccination certificate o VaxCertPH dahil dinagdagan ang security features at isinama na rin ang data tungkol sa booster shots. […]

  • Bloke-blokeng marijuana, nasabat sa kelot sa Tondo

    KUMPISKADO ang higit P200-libo halaga ng bloke blokeng marijuana mula sa isang suspek na nadakip sa isang operasyon sa Tondo.   Ayon sa pulisya na kinilala ang suspek na si Edward Figueroa, 37, may-asawa at residente sa Nava St., sakop ng Balut, Tondo na nahulihan ng mga bloke ng umanoy marijuana na may bigat na […]