• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30-M washable facemasks ipapamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad – DTI

Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na mamimigay sila ng 30 milyong washable face masks para sa mga nasalanta ng bagyong upang maprotektahan ang mga ito mula sa banta ng coronavirus disease.

 

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, sinimulan na nila ang pamimigay ng mga facemasks katuwang ang Office of Civil Defense.

 

Noong isang araw aniya ay nagtungo sila sa apat na evacuation centers sa Marikina upang mamigay ng mga facemasks dahil karamihan daw sa mga residente ay nabasa na ang ginagamit na facemasks.

 

Dagdag pa ng kalihim, aabot na ng 1.5 billion facemasks sa buong Pilipinas ang kanilang naipamahagi na.

 

Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng Department of Health sa mga indibidwal na nasa iba’t ibang evacuation centers para tiyakin na nasusunod ang mga umiiral na health protocols.

 

Ang mga evacuees na makikitaan ng sintomas ay kakailanganing sumailalim sa antigen testing upang hindi na kumalat pa sa iba ang sakit.

 

Other News
  • ‘NBA nalugi ng $8.3-B dahil sa COVID pandemic’

    UMAABOT umano sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.   Sa naturang halaga kabilang umano sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa […]

  • Libu-libong pamilya mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, inilikas dahil sa pananalasa ni bagyong Pepito

    TINATAYANG nasa 5,000 pamilya ang inilikas sa ilang bahagi ng bansa dahil sa sama ng panahon na nararanasan dulot ng bagyong Pepito.   Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni NDRRMC Asec Casiano Monilla na malaking bahagi ng mga inilikas ay mula sa Region 4a partikular sa Quezon province kung saan nasa 4,790 […]

  • Pag-host ng PH sa FIBA Asia Cup qualifiers, kanselado dahil sa travel ban – SBP

    Kinansela na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-host ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero dahil sa ipinataw na travel ban ng bansa bunsod ng bagong variant ng COVID-19.     Nakatakda sanang gawin sa bansa ang mga laro ng Group A at C sa ikatlo at huling window ng qualifiers […]