• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

33 manggagawa mula sa sinalakay na POGO hubs sa Bamban, Pasay, balik-Tsina na

MAY 33 empleyado ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Pasay City ang itinapon na pabalik ng Tsina, araw ng Huwebes.
Ang mga manggagawa na dineport pabalik ng Tsina ay mula sa Smart Web Technology sa Pasay City, kung saan natuklasan ang torture chamber matapos itong salakayin noong 2023, at mula sa Zun Yuan Technology sa Bamban.
Isa rin sa katuwiran kaya’t dineport ang mga naturang manggagawa ay dahil sa pagiging ‘undesirable aliens’ bunsod ng kakulangan ng permits at visas.
Mahaharap din ang mga ito sa reklamong pakikipag-ugnayan sa illegal gambling sa Tsina.
“Technically kasi lahat ng mga yan will be treated as criminal suspects in China. So they will all be charged criminally in China,” ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio.
Samantala, sinabi naman ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na maraming biktima ng mga POGO workers ang nasa Tsina.
“Maraming biktima. And yung coordination na ginagawa natin with the Chinese authorities, nakikita natin yung mga biktima sa kanila, sa China, and then yung scamming hub o yung mga scammers dito nang gagaling sa atin,” aniya pa rin.
Dahil dito, sinabi ni Casio, lahat ng POGO workers ay iba-blacklist.
Gayunman, sinabi nito na iyong mga boluntaryong aalis ng bansa bitbit ang kanilang mga papeles ay hindi iba-blacklist ng gobyerno.
“Pero even if they leave voluntarily, if their papers are not in proper order then they will still be blacklisted,” aniya pa rin.
Kabilang sa mga dineport ay ang mag-asawa kasama ang kanilang dalawang taong gulang na anak, na isinilang sa Pilipinas.
Gayunman, sinabi ng PAOCC na ang nasyonalidad ng bata ay nananatiling intsik dahil ang mga magulang ng bata ay intsik.
Matatandaang, sa pangatlong Ulat Sa Bayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinagbawal na nito ang lahat ng POGOs sa bansa bago pa matapos ang taon. (Daris Jose)
Other News
  • Fajardo, 2 iba pang higante ‘tambay’ muna

    LIBAN ang tatlong higante sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, pero tiyak na hindi maglalaho ang kasabikan sa pagbukas nito sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.   Sila ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ng Barangay Ginebra San […]

  • Nakaabot naman sa Top 10 si Michelle: SHEYNNIS PALACIOS, kauna-unahang Miss Universe na mula sa Nicaragua

    MISS Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon na manalo ng beauty queen from Nicaragua na si Sheynnis Palacios.       Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, El Salvador.       Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng […]

  • ‘SINISTER’, THE SCARIEST MOVIE ACCORDING TO VIEWERS’ HEART RATES

    WE have different tastes in horror movies.   Some people need a compelling story to go with the scares, while others just appreciate the thrills and tons of jump scares. Some would enjoy the gore, and others would prefer to skip them.   This is why naming the scariest movie of all time will probably […]