33 pasaway na mga tsuper huli dahil sa pag labag sa IATF sa Kyusi
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
HULI ang may 33 mga tsuper ng bus dahil sa pag labag sa Inter Agency Task Force on Emerging Diseases o IATF. Sa isinagawan inspeksyon ang Inter- Agency Council for Traffic (IACT), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga Public Utility Bus (PUB) na bumibiyahe sa Commonwealth Avenue, Quezon City ay buking nag mga ito.
Parte ng isinagawang inspeksyon at pag sita ay ang pagsiguro na ang mga pasahero, driver at konduktor ng bus ay nakasuot ng face mask at face shield.
Bukod pa dito ay siniguro din ng mga enforcers na nasusunod ang one-seat apart rule na kalimitan na hindi na sinusunod ng mga jeepney drivers at bus drivers.
Ininspeksyon din kung mayroong alcohol o sanitizer na pang disinfect para sa mga pasahero na papasok ng bus kung may gamit itong thermal scanner.
Ilan sa mga kadalasang violations ay hindi tamang pagsuot ng face shield o face mask, hindi nakasuot ng tamang uniporme ang driver, at kulang sa alcohol o disinfectant. Nanawagan nman ang pamahalaan na sumunod sa mga ito dahil para narin sa kaligtasan nila ang ginagawang alituntunin upang maiwasan ang pag kalat ng COVID19. (Ronaldo Quinio)
-
Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response
NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines. Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng […]
-
June 28, idineklara ng Malakanyang bilang national holiday
INANUNSYO ng Malakanyang na national holiday ang Hunyo 28, 2023 sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Ang Proclamation No. 258, may petsang Hunyo 13, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay nagsasaad na “ang Eid’l Adha ay isa sa “greatest feasts” ng Islam na ipinagdiriwang […]
-
Legaspi pang-13 sa Cactus
LUMAGAK na pang-13 ang dating national golf women’s team member na si Clare Amelia ‘Mia’ Legaspi sa kahahambalos na Morongo-Champions sa Morongo Golf Club/Tukwet Canyon sa Beaumont, California, United States. Bumitaw ang Pinay golfer ng seven-over par 79 sa opening at six-over 78 sa closing upang maisalba ang 13-over 157 sa 24-player event […]