• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3,314 Bulakenyong estudyante, tumanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

Nagkaloob ng pinansyal na tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial Administrator’s Office para sa edukasyon ng 3,314 kuwalipikadong Bulakenyong estudyante.

 

“Sinisikap po natin na maipagkaloob ang tulong pinansiyal sa ating mga qualified at deserving na estudyante sa kabila ng kinakaharap natin na pandemya dahil batid po ng inyong lingkod na malaking tulong ito para matupad ang kanilang mga pangarap. Tulad ni Jose Rizal, naniniwala po ako na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan,” ani Fernando.

 

Sa ilalim ng scholarship program na tinawag na ‘Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo’, nakapagpamahagi na ang PA’s Office ng pinansiyal na tulong sa mga benepisyaryo na naka-enroll sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo gayundin sa mga estudyante na kumukuha ng masters degree.

 

Tumanggap ang may 3,092 na estudyante na naka-enroll sa pribadong unibersidad at kolehiyo ng tig-P3,500 habang tig-P5,000 naman ang naiuwi ng 209 na estudyante na kumkuha ng masteral. Gayundin, 13 estudyante na may academic awards ang pinagkalooban ng tig-P5,500 bawat isa.

 

Samantala, sinabi ni Catherine Innocencio, executive assistant III, na kasalukuyan pa rin silang namamahagi ng ayuda sa mga kuwalipikadong estudyante sa senior high school at sa mga naka-enroll sa state universities at colleges kabilang ang Bulacan Polytechnic College and Bulacan State University.

 

Aniya, simula Hunyo 16 ngayong taon, tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng tseke sa 300 benepisyaryo kada araw sa iba’t ibang lugar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Cool Smashers kakasa sa ASEAN Grand Prix

    HANDA na ang lahat sa pagsabak ng Creamline Cool Smashers sa 2022 Asean Grand Prix na idaraos sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11.     Nakatakdang lumipad patungong Bangkok ang buong delegasyon sa Miyerkules.     Kumpleto ang Cool Sma­shers na magtutungo sa Thailand dahil base sa inisyal na plano, kasama si […]

  • Umaming nami-miss nang sumayaw at kumanta: SEAN, working hard kaya dedma na lang sa ‘indecent proposal’

    SOBRANG thankful si John “Sweet” Lapus nang kunin siya ng APT Entertainment para magdirek ng satire gag show na BalitaOneNan.     “Napakarami naman pwedeng magdirek ng ‘Balita One Nan’ pero ako pa rin ang napili nila,” pahayag ni Sweet.     “Siguro nagustuhan nila ang trabaho ko sa ‘Boyfriend No. 13’ na ipinalabas sa sa WeTV last year. Actually, […]

  • Tambalang Sara-Go sa Eleksyon 2022, binuking ni PDu30

    IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipintong pagtatambal nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Christopher “Bong” Go para sa dalawang “top government posts” sa May 9, 2022 elections.   Kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa labas ng Sofitel Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado ang bagay na […]