• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

34M SIM, naka-rehistro na sa telcos-DICT

TINATAYANG umabot na sa 34 milyong SIM  sa buong bansa ang nakarehistro na ngayon sa kani-kanilang  public telecommunications entities (PTEs).

 

 

Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT), Undersecretary Anna Mae  Yu Lamentillo, may kabuuang  34,483,563 SIM  na ang nakarehistro “as of February 19”,  sinasabing 20%  lamang ito ng 168,977,773 SIM sa buong bansa.

 

 

Kabilang na rito ang  17.7 milyong subscribers ng Smart Communications Inc.;  Globe Telecom Inc. na may 14.172 milyon, at DITO Telecommunity Corp.  na may  2.61 milyon.

 

 

“Patuloy ang paghihikayat natin sa lahat ng gumagamit ng SIM at eSIM na magparehistro na po kayo. Wala pong exempted sa SIM Registration Law,” ayon kay Lamentillo sa Laging Handa public briefing.

 

 

“Pagkatapos ng implementation period at hindi nairegister ang inyong SIM card, hindi ninyo na po magagamit ang inyong SIM,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Lamentillo na plano ng DICT na palakasin ang pagsisikap nito na hikayatin ang mas marami pang users na iparehistro na ang kanilang SIM cards, kasunod ng mabagal na pagkakatala sa implementasyon ng “prescribed registration period.”

 

 

“Ang aming information campaign ay walang tigil at ngayon ay nasa grassroots na,” ani Lamentillo.

 

 

Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, obligado ang publiko na may cellphone at gumagamit ng sim cards na magparehistro.

 

 

Sinumang hindi mag­rerehistro sa itinakdang panahon ay otomatikong madi-deactivate ang sim card.

 

 

Samantala, mayroon lamang 180 days o hanggang Abril 26, 2023  ang mga subscribers para makapagparehistro ng kanilang pre-paid at post-paid sim card upang hindi ito ma-deactivate sa susunod na taon.

 

 

Naging epektibo naman ang implementing rules and regulations ng SIM Card Registration Act  noong Disyembre 27, matapos na tintahan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing batas noong Oktubre ng nakaraang taon. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno handa na sa pagbabakuna

    Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo.     Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero.     Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive […]

  • ‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki

    MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.     Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca.     Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman […]

  • Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara

    Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara patungkol sa mga umano’y kongresista na dawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   Giit dito ni Committee on Justice Vice Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, dapat na pangalanan na ngayon ng […]