• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3,812 pasado sa 2023 Bar Exams, magiging abogado

UMABOT sa 3,812 examinees ang pumasa sa 2023 Bar Exams o ‘yung professional licensure examination para sa mga nais mag-abogado sa Pilipinas.

 

 

Ito ang ibinahagi ng Supreme Court sa publiko ngayong Martes nang tanghali sa pamamagitan ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, chairperson ng 2023 Bar Examinations.

 

 

Narito ang top 20 bar takers ngayong taon:

 

  1. Bie, Ephraim Porciuncula (UST, 89.2625%)
  2. Vivit, Mark Josel Padua (ADMU, 89.1250%)
  3. Francisco, Frances Camille Altonaga (San Beda University, 88.9125%)
  4. Tang, Nathaniel Nino Alipio (Aquinas-UST-Legazpi, 88.6500%)
  5. Flores, David Joseph Austria (DLSU, 88.5500%)
  6. Samaniego, Ralph Vincent Salvador (UP, 88.4750%)
  7. Antonio, Bryan Gerard Tapnio (ADMU, 88.3125%)
  8. Buencamino, Pio Vincent Roura (UST, 88.2500%)
  9. Batulan, Paolo (University of San Jose – Recoletos, 88.2500%)
  10. Batusita, Grace Abigail Morales (Angeles University Foundation School of Law, 88.0625%)
  11. Non, Zes Trina Banares (Aquinas-UST-Legazpi, 88.0125%)
  12. Chan, Jayson Ong (Saint Paul School of Professional Studies, 88.0125%)
  13. Calderon, Maria Sofia Esguerra (San Beda University, 88.0000%)
  14. Cruz, Cedric Jerome Moya (Bulacan State University, 87.9250%)
  15. Ocampo, Marvin Joseph Manarang (UP, 87.9125%)
  16. Rueda, Yvette Veronique de Guzman (University of Makati, 87.8750%)
  17. Pobar, Dionisio III Tenorio (UP, 87.8375%)
  18. Barrion, Vince Benedict Abu (UP, 87.8000%)
  19. Guzman, Paolo Luna (UP, 87.7875%)
  20. Balisong, Rockylle Dominique Laureta (San Beda University, 87.7375%)

 

 

Lumalabas na 36.77% ang overall passing percentage sa naturang examination.

 

 

Makikita ang kumpletong listahan ang mga pumasa sa link na ito.

 

 

Matatandaang ikinasa ang pagsusulit noong ika-17, ika-20 at ika-24 ng Setyembre taong ito at hinati sa anim na core subjects:

Political and Public International Law (15%)

Commercial and Taxation Laws (20%)

Civil Law (20%)

Labor Law and Social Legislation (10%)

Criminal Law (10%)

Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises (25%)

 

 

Bagama’t 10,791 ang inaasahang kumuha ng pagsusulit, sinabi ni Hernando na nasa 10,387 ang aktwal na kumuha nito.

 

 

Ginanap ang exams sa 14 local testing centers kabilang ang San Beda University – Manila, University of Santo Tomas, San Beda College Alabang, University of the Philippines – Diliman, University of the Philippines – Bonifacio Global City, Saint Louis University, Cagayan State University, University of Nueva Caceres, University of San Jose – Recoletos, University of San Carlos, Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation, Ateneo de Davao University, Xavier University (Mindanao). (Daris Jose)

Other News
  • Tapales WBC Asian Continental champion

    PINATUNAYAN ni two-division world champion Marlon Tapales na may ibubuga pa ito matapos magtala ng first-round knockout win para makuha ang WBC Asian Continental super bantamweight title sa labang ginanap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.       Mabibigat na suntok ang pinakawalan ni Tapales para mabilis na tapusin si Nattapong Jankaew […]

  • DOTr: Mamadaliin ang pamimigay ng P2.5 B fuel subsidy sa mga tricycle drivers

    NANGAKO  ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista na sa lalong panahon ay maibigay ang P2.5 billion na fuel subsidy sa mga libo-libong tricycle drivers sa buong bansa.     Naganap ang pangako matapos ang matinding pagpapalitan ng debate sa nakaraang confirmation ni DOTr Secretary Bautista sa Commission on Appointments (CA). […]

  • NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas

    NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pangunguna ng Public Employment Service Office, katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at ang Navotas Tripartite Industrial Peace Council ang 75 na profiled child laborers sa lungsod sa pamamagitan ng Project Angel Tree. Ani Mayor John Rey Tiangco, nag-uwi […]