• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3K KABATAAN NABAKUNAHAN NA

UMABOT na sa mahigit na sa tatlong libong mga kabataan  ang naturukan laban sa COVID-19.

 

 

 

Sa datos ng Department of Health, nasa  3,416 na nasa edad 12-17 na may comorbidities ang nabakunahan na sa pilot implementation  na nagsimula noong Biyernes

 

 

 

Isinagawa ang pilot run ng vaccination sa pediatric group sa walong ospital ngunit maaari pa umano itong madagdagan sa susunod na mga araw.

 

 

 

Paalala lamang ni  Health Usec Maria Rosario Vergeire, kailangan ang mga babakunahang kabataan ay may consent ang magulang o guardian at may clearance mula sa kanyang doktor

 

 

 

Ayon kay Vergeire, may report na apat ang  nakaranas ng adverse reaction ngunit kanila pang biniberipika.

 

 

 

Sinasabi naman ng mga eksperto nasa mataas ang benepisyong naibibigay ng bakuna kesa sa panganib  ng sinasabing adverse reactions.

 

 

 

Aniya, sasagutin ng gobyerno kung  makakaranas ng  adverse reaction ang mga kabataan matapos mabakunahan.

 

 

 

Bukod dito, may karagdagang insentibo kung naging seryoso ang adverse reaction.

 

 

 

Ayon kay Vergeire, merong Phihealth package para dito .

 

 

 

Sa kasalukuyan, mayroon nang 24.5 milyong Filipino ang fully vaccinated habang  28.3 milyon ang nakatanggap ng  first dose, ayon sa datos ng gobyerno. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Online seller 2 pa, kulong sa P600-K halaga ng droga

    TATLONG hinihinalang drug pushers, kabilang ang isang online seller ang arestado matapos makumpiskahan ng higit P.6 milyon halaga ng shabu at marijuana sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-2:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforce- ment […]

  • Maria Ressa nag-‘playing the victim card’- Sec. Roque

    KAAGAD na nahalata ng Malakanyang ang pagiging ‘playing the victim card’ ni Rappler CEO and executive editor Maria Ressa nang banggitin nito ang non-renewal ng broadcast franchise of ABS-CBN matapos na maghain ng “not guilty” plea sa lokal na korte. “It is very evident that Maria Ressa is playing the victim card by talking about the […]

  • Gierran, may hanggang Disyembre para ‘linisin’ ang PhilHealth – Palasyo

    Binibigyan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Disyembre ang bagong upong pinuno ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na si Dante Gierran para linisin ang umano’y kurapsyon sa ahensya.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan umano ng Pangulong Duterte kung makakaya ba ni Gierran, na dating hepe ng National Bureau of Investigation, […]