3rd Quarter Monthly allowance ng MPD police, naibigay na
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
IBINIGAY na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 3rd quarter allowance sa lahat ng kapulisan na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayong araw.
Matapos ang isinagawang flag raising ceremony, mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nag-abot ng tseke sa ilang kapulisan na naglalaman ng kanilang “monthly allowance” simula buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre ngayong taon.
Nasa kabuuang P36,578,500 halaga ng allowance ang itinurn-over ng pamahalaang lungsod sa pamunuan ng MPD sa pamumuno ni Director P/Brig.Gen. Rolando Miranda upang ipamahagi sa kada pulis na nakatalaga sa Maynila.
Ayon naman kay Miranda, nasa mahigit 4,800 ang kabuuang bilang ng kapulisan na nakatalaga sa Maynila kung saan ang bawat isa sa kanila ay makatatanggap ng halagang P7,500 allowance dahil ang kada pu- lis ay nakatatanggap ng P2,500 monthly allowance sa pamahalaang lungsod. (Gene Adsuara)
-
WHO, PH vaccine experts inirerekomenda pa rin ang AstraZeneca vaccines: FDA
Inirerekomenda pa rin ng mga eksperto ang paggamit sa Pilipinas ng COVID-19 vaccine na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca. Ito’y kasunod ng pansamantalang suspensyon sa pagtuturok ng naturang bakuna dahil sa “very rare side effect” na pamumuo ng dugo at mababang platelet counting. “Dumating na yung […]
-
Villaramor, Uratex puntirya pang-2 korona sa WNBL 3×3
TARGET ng Uratex Dream na binubuo nina Alyssa Villamor, Kaye Pingol, Tina Deacon at Angel Anies ang pangalawang sunod na korona. Sa pagsiklab ito ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2022 3×3 second leg na sasalihan ng 10 koponan at nakatakdang drumibol umpisa sa Pebrero 26 sa Hoopla Gym ng Angelis Resort […]
-
Vice bumalik ang trauma, Maine hindi kinaya ang pamamaril sa mag-ina
Tulad ng karamihan hindi rin kinaya nina Vice Ganda, Angel Locsin, Maine Mendoza at iba pang celebrities ang napanood na video sa pagpatay sa mag-ina ng isang pulis sa Tarlac dahil sa right-of-way. Nag-viral ang nasabing video ng pamamaril ng pulis-Parañaque na si Police SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya – 52 -– […]