3×3 tourney aprub sa PBA
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors ang professional league men’s basketball 3×3 tournament, nabatid kahapon kay tournament chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann ng Alaska Milk.
Aantayin ng liga ang permiso mula sa Inter Agency Task Force (IATF) para sa balak na three-conference format para sa unang taon nito.
Kung non-bubble setup, five legs at one grand finals per conference ang balak ng opisyal. Pero kung hindi papayag ang IATF sa non-bubble, magsasagawa na lang ang PBA ng 13-day bubble tournament na may tatlong two-day leg at isang two-day grand finals.
Plano ni tourney director Frederick Altamirano, na magkaroon ng 18 teams sa inaugural season ng event. (REC)
-
Nat’l sovereignty sa West Phl Sea, dedepensahan ng gov’t – Defense chief
Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na nakahanda ang ang gobyerno na protektahan at depensahan ang national sovereignty ng Pilipinas partikular sa may Julian Felipe Reef. Kaugnay pa rin ito sa pagsalakay ng mga Chinese maritime militia vessels sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. […]
-
PDU30, HINDI NAGMAMADALI NA IPAWALANG-BISA ANG VFA
HINDI nagmamadali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA)ng Pilipinas sa Estados Unidos. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring i-postpone ni Pangulong Duterte para sa panibagong anim na buwan ang termination o pagtatapos ng VFA. “That (VFA termination) has an option of being further extended by another […]
-
Ads January 9, 2021