• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 biktima ng “palit-ulo scam” sa Valenzuela, tumanggap ng tig P1-milyon

INIHAYAG ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na matapos ang pitong buwan mula noong unang nasiwalat ang “Palit-Ulo Scam”, nagkaroon na ng dayalogo at maayos na resolusyon sa pagitan ng Ace Medical Center at apat na biktima.

 

 

 

Bukod dito, nagpaabot din ang Ace Medical Center ng tulong pinansyal na tig P1 miylong sa mga biktima para mabigyan ng “closure” ang tinatawag na “palit-ulo scam.”

 

 

“I very much welcome the assistance na ibinigay ng ACE Medical Hospital sa ating mga biktima. Ang financial assistance na ibinigay nila last Friday para magkaroon na rin po ng closure ang ating imbestigasyon paukol sa scam,” ayon kay Mayor WES.

 

 

Noong Abril, sinabi ng lokal na pamahalaan na ang mga kasong illegal detention ay isinampa laban sa naturang hospital.

 

 

Sinabi ng isang complainant na si Lovery Magtangob, na dinala sa ospital ang kanyang hipag nang makaranas siya ng pagsusuka at hirap sa paghinga noong Pebrero 22. Namatay umano ang pasyente dahil sa thyroid storm at ilang komplikasyon matapos ma-admit sa ospital at intensive care unit (ICU) sa loob ng apat na araw.

 

 

Dahil sa hindi pa settled bill ang kanilang bill noon na nagkakahalaga ng P777,378, sinabi ni Magtangob na pinigilan siya ng isang security guard na lumabas ng ospital.

 

 

Ang isa pang nagrereklamo na si Richel Mae Pepito Alvaro, ay nagsabing pinigilan din siyang lumabas ng ospital, kahit para bumili ng pagkain, matapos mabigong bayaran ang mga bayarin sa medikal ng kanyang namatay na asawa na nagkakahalaga ng P518,519.

 

 

“It’s been seven months na ang ating mga biktima ay nagdadaan ng psychological, emotional anguish, and anxiety po at hindi naging madali itong seven months para sa ating mga biktima at sa ating mga kababayan. Marami po silang pinagdaanan,” ayon pa kay Gatchalian.

 

 

Sa pagbanggit sa ordinansa ng lungsod sa anti-hospital detention ordinance, pinaalalahanan din niya ang mga pribadong ospital sa Valenzuela City na igalang ang karapatang pantao ng mga pasyente, lalo na ang mga mahihirap, na umaabot sa kanila para sa medikal na atensyon.

 

 

Sa tulong pinansyal na ibinigay, sinabi ni Valenzuela City councilor Atty. Bimbo Dela Cruz na “malayang” nagpasya ang apat na biktima na bawiin ang kanilang mga reklamo laban sa pribadong ospital.

 

 

“Naayos na ho ang relasyon ng ACE Medical Hospital sa city hall. Naayos na rin ho ang relasyon nila sa apat na biktima natin. Kaya ho ‘yung apat natin na biktima, malaya at kusang loob silang umatras sa mga kaso na finile namin sa PhilHealth, DOH, Commission on Human Rights, sa piskalya,” ayon kay Dela Cruz.

 

 

Nang tanungin kung ang tulong pinansyal ay maituturing na “amicable settlement” sa pagitan ng dalawang partido, sinabi ni Dela Cruz na higit pa itong “regalo” sa mga biktima ngayong holiday season. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads May 12, 2023

  • KAKULANGAN SA PINASIYAL, SA SOCIAL MEDIA PUWEDE NANG MANGAMPANYA

    SINABI  ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia nitong Huwebes na maaring i-maximize ng mga financially constrained aspirants para sa 2025 midterm elections ang mga bagong teknolohiya o social media platforms para ikampanya ang mga boto. Ito ay makaraang ihayag ng  Comelec na walang sinumang mag-aagawan para sa isang elective position sa darating na […]

  • DA, nanawagan sa mga lokal na opisyal ng Luzon na makipagtulungan sa gobyerno para sa paghahatid ng suplay ng pagkain sa NCR

    NANAWAGAN ang Department of Agriculture sa lahat ng mga provincial chief executives at sa mga municipal mayors sa luzon na mangyaring makipagtulungan sa gobyerno upang hindi maantala ang paghahatid ng suplay ng pagkain sa National Capital Region at mga karatig- lalawigan na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (mecq). Nakarating kasi kay Agriculture Sec. […]