4-DAY WORK WEEK
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
PATULOY sa pagdami ang infected ng COVID-19 dahilan kaya isinailalim na sa ngayon ang community quarantine sa buong Metro Manila base na rin rekomendasyon ng Department of Health kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi ginamit ang salitang lockdown dahil maaaring maging sanhi ito ng mas matinding panic sa publiko, wala rin aniyang gulo na nangyayari at ang usapin ay kalusugan kaya mas pinaboran ang salitang quarantine.
Bukod sa hakbang na ito, pinaboran din ang apat-na-araw na trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan. Mas praktikal anila ito para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Ayon kay Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, isusulong nila ang scheme at puwede rin itong gayahin ng pribadong sector. Bukod sa apat-na-araw na trabaho, isinusulong din nila ang flexi-work arrangements para ganap na makontrol ang pagkalat ng virus.
Pero sinopla agad ng Bureau of Internal Re-ve—nue (BIR) ang panukala ng pamahalaan na apat-na-araw na trabaho. Ayon sa BIR officials, malaking adjustment umano ang kanilang gagawin kapag inaprubahan ang 4-day work week.
Apektado rin umano rito ang pribadong sektor kapag pinatupad ito. Marami umanong malulugi at maaaring- magsara o kaya’y magbawas ng empleyado kapag ipinatupad ang scheme.
Hindi pa nasusubukan ay binaril na ang panukala. Maganda sana ang planong four-day workweek sapagkat mapipigilan nito ang pagkalat ng sakit. Katulad rin sana sa ginawang suspension ng klase para hindi na magkahawahan.
Maging bukas naman sana ang isipan ng ilang kumukontra lalo ngayon na hindi mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Wala naman silang maibigay na suhestiyon kung paano ang gagawin para mapigilan ang nakahahawang sakit.
-
No. 9 top most wanted person ng Valenzuela, arestado
HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong robbery matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Aerol”, 23 ng Francisco St., Brgy, Gen T De Leon na nasa No. 9 Top MWP ng Valenzuela […]
-
Del Rosario pumangatlo, ginantimpalaan ng P106K
PALABANG sumalo sa pangatlong posisyon si Pauline Beatriz Del Rosario kay Mohan Du ng China sa kahahambalos na Dare the Bear Women’s Championship upang mapremyuhan ng tig-$2,069 (P106K) sa Black Bear Golf Club sa Parker, Colorado. Nagposte ang 23-year-old Pinay shotmaker buhat sa Las Piñas ng mga linyang six-over par 76, three-over par […]
-
“Too late” na ang Pinas na magpatupad ng travel ban laban sa Indonesia, pinalagan ng Malakanyang
PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na “too late” na o nahuli na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban laban sa Indonesia na napaulat na may maraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw. “Hindi naman po too late ‘yan kasi meron naman po tayong datos ng […]