• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4-day workweek, hirit ng NEDA

INIREKOMENDA ni National Economic and Development Authority (NEDA) at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang pagpapatupad ng pamahalaan ng four-day workweek upang makatipid ng enerhiya at mabawasan ang gastusin ng publiko, kasunod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

 

 

Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo Duterte nitong Martes, na iniere nitong Miyerkules ng umaga, sinabi ni Chua na dapat na magtipid ng enerhiya ang bansa sa pamamagitan nang paglilimita sa mobility ng mga manggagawa.

 

 

Maaari aniyang papasukin na lamang ang mga ito ng apat na araw sa isang linggo, at dagdagan na lamang ang oras ng kanilang trabaho kada araw.

 

 

“Siguro subukan natin ‘yung conservation of ener­gy at isa sa halimbawa dito ay ‘yung four-day workweek. Magta-trabaho pa rin po ang bawat Pilipino ng 40 hours per week pero imbes na sa limang araw, ay apat na araw. Imbes na walong oras, magiging 10-oras kada araw,” mungkahi pa ni Chua.

 

 

Ipinaliwanag ni Chua na dati na itong naipa­tupad ng pamahalaan noong 1990’s sa panahon ng Gulf War at noong 2008 nang tumaas din ang presyo ng krudo.

 

 

“Ang epekto nito ay makakatipid din imbes na araw-araw magko-commute, ay magiging apat na araw. Ito ay makakatulong din sa pag-manage ng ekonomiya natin,” pahayag pa ng NEDA chief.

 

 

Samantala, bukod naman sa pagtitipid ng enerhiya, inirekomenda rin ni Chua ang targeted relief sa mga vulnerable sectors sa bansa at pag­lalaan ng unconditional cash transfers na P2,400 para sa bottom 50% ng mga households.

 

 

Paliwanag niya, kung itataas ang minimum jeepney fare at minimum wage ay mangangahulugan din ito ng pagtaas ng inflation rate.

 

 

“Dahil po dito, dapat maingat tayo. Marami ta­yong gustong ma-achieve pero dapat alam natin kung ano mas nakakabuti sa ating kapwa Pilipino,” aniya pa. (Daris Jose)

Other News
  • P18 bilyong piso, nawawala kada araw – Malakanyang

    HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region. Ito’y sa kabila ng wala pa namang pasiya sa kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, […]

  • DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025

    LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025     Sinabi ni  DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay  consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng  public comments para  ma-fine-tune ang  K-10 […]

  • P1K pension sa seniors, sumalang na sa Senado

    ISINALANG na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na gawing P1,000 ang social pension ng indigent senior citizens mula sa P500.     Sa sponsor speech ni Sen. Joel Villanueva, nag-sponsor ng Senate Bill 2506, umaasa siya na mula sa P500 ay magiging P1000 ang monthly pension ng mga indigent senior citizens bilang pagkilala […]